Chapter 35: Confrontation

952 66 11
                                    

Chapter 35: Confrontation

Pak!

Isang malakas na sampal ang gumising sa'kin. Putek naman oh...

Minulat ko ang mata ko at bumungad sa'kin ang nakangising lalaki na may balbas. Count Verez.

"Well, well, how's your sleep Queen of Belladonna?" Ngisi nito sa'kin. Tinitigan ko lang naman siya at hindi sinagot kaya siya naasar.

He raised his hand and slapped me hard, again. Pangalawa na 'yon ah, mamaya ka sa'king hayop ka.

"Sumagot ka." Gigil niyang wika pero inirapan ko lang siya. He sighed, trying to calm his nerves down.

Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay nagsalita na siya. "Ang sabi matalino ka pero hindi ko alam na bobo ka pala."

Maka-insulto 'to. Ininsulto ko ba ang basura niyang utak?

"You revealed yourself to me. Akala mo siguro ay mapagkakatiwalaan ako 'no?" He smirked.

Hindi ko naman siya sinagot. Walang kwentang kausap eh.

"Well, news flash, hindi. I only made you to trust me para sa araw na 'to. Ang hirap mo kasing mahagilap. Wala pang nakakakilala sa'yo." Pagpapatuloy niya.

Sa tingin ba niya ay interesado ako sa sinasabi niya? Boring kaya.

"Pero mabuti na lang at nagtiwala ka sa'kin, mas napadali ang lahat." Tumawa siya ng mala-demonyo, hindi naman bagay sa kaniya.

"'Yon na 'yon?" Walang gana kong wika at sumandal sa sandalan ng kinauupuan ko.

Napansin ko ring hindi na nakatali ang paa ko kaya nagdekwatro ako para inisin siya lalo. Naka-pajama pa rin pala ako.

He gritted his teeth in anger. "Gumanyan ka lang Queen, sige lang dahil mamaya, patay ka na. Babagsak ka na sa impyerno. Akin na ang organisasyon mo at ako na ang magiging pinaka-malakas na Boss sa Underground dahil isusunod ko ang asawa mo!"

Nakaramdam ako ng galit ng idamay niya ang asawa ko. Potanginang lalaking 'to, kala mo gwapo, bobo naman.

Sa tingin ba niya magtatagumpay siya? I'm sure Sara and the others are already here to rescue me. Sigurado rin akong alam na nila Mister na nawawala ako. 'Yon pa? Ang talino n'on eh.

"Impyerno? 'Wag kang mag-alala, pati ikaw, d'on ang bagsak mo." I smirked.

I saw how his eyes tremble in terror pero para itagong natakot siya ay sinampal niya ulit ako.

Tatlo na 'yon ah, wait ka lang. May hinihintay lang akong guest.

"Sisiguraduhin kong magdudusa ka sa kamay ko!" Malakas na sigaw nito. "Teka, alam ba ng asawa mo na ikaw ang leader ng kalaban niyang organisasyon?"

Saktong bumukas ang pinto ng kwartong 'to ng hindi nila napapansin. This room is actually empty at mga semento lang ang nandito. Sa likod ng kinauupuan ko ay may malaking butas na pa-square. Diretso sa grounds ka ng building na 'to 'pag tumalon ka roon. I think we're on fifth floor or sixth.

My eyes landed on my husband's gaze. Hindi ito nagulat sa narinig at nanatili lang na nakatingin sa'kin.

"Alam niya na." Seryoso kong wika bago tinapakan nang madiin ang paa ng Count. He screamed in pain kahit na naka-paa lang ako.

Nanlaki ang mga mata ng mga tauhan niya at susugudin sana ako pero mabilis kong nasipa ang isa sa stomach niya. Inuntog ko ang ulo ko sa ulo ng isa bago iyon sinipa papalayo.

"You bitch!" Malakas na sigaw ng Count pero nginisihan ko lang siya.

I stood up despite me being tied on a chair. Inihampas ko ang upuan sa isa bago nagtumbling even though wala akong gamit na kamay.

Sinipa ko sa ulo ang isa saka tumalikod sa kaniya at tinapak ang paa ng upuan sa kaniya. He shouted in pain bago ko inuntog ang likuran ng ulo ko sa mukha niya.

I stood up again bago tinapakan ang likuran ng Count na hawak ang paa niya. Nag-thumbling ako sa ere and made sure na tumama ang upuan sa nakahigang tauhan niya. The chair broke.

Tinanggal ko na ang pagkakatali sa kamay ko bago hinampas ang ulo ng Count sa sementong nakapatong-patong.

He touched his head in pain. Mabilis kong nahagilap ang metal na pangtali. Nakasabit ito sa pinakataas ng building, sa kisame.

Kinuha ko 'yon saka tinali ang dulo sa paa ng Count na hindi iyon napansin dahil sa sakit na naramdaman nang tumama ang ulo niya sa semento.

"Sige, subukan niyong magpaputok." Pananakot ko sa mga tauhan na nakatayo na at may hawak na baril na nakatutok sa'kin. Malapit ang Count sa butas at nakahawak ako sa balikat niya, isang tulak lang, boom! He's dead. Hindi naman nila napansin na nakatali ang paa niya kaya ayos lang na takutin ko sila.

I saw how terror draw in their face. I smiled sweetly at them and signal them to put the guns down.

Nanginginig na binaba nila ang mga baril nila. Ang bilis lang nilang paikutin.

I signal them to slide it to me. Nakita ko pang nag-alanganin sila kaya medyo shinake ko ang boss nila. Nanlaki naman ang mga mata nila.

They slide it to me. Saktong pagkuha ko ng isa ay sinipa ko ang boss nila. Narinig ko pa ang sigawan nila at ng boss nila. Nakakarindi.

Mabilis kong iniwasan ang bala nang magpaputok ang isa. Hindi ko napansin na dalawa pala ang baril niya.

Mabilis kong kinasa ang baril na hawak ko bago pinaputok diretso sa noo niya. Hindi na ko naging mabagal at pinaputukan na silang lahat.

I looked down at the square hole at nakitang naghihirap na ang Count. He was trying to balance himself at gusto niyang hawakan ang nakatali sa kaniya pero hindi niya kaya. Ikaw kaya ang ibitin ko ng patiwarik.

"Oh? Akala ko ba ipapadala mo na ko sa impyerno tapos isusunod mo ang Duke? Anong ginagawa mo diyan?" Pang-aasar ko. "Naglalaro ka ba? Ano 'yan, swing? Music video?"

"Y-you!" Nahirapan na ito dahil dumudugo na nga ang ulo niya, nakabitin pa siya ng patiwarik.

I sat down, my arms resting in my thighs. "Do you really think na maloloko mo ko? Unang transaction pa lang natin, alam ko ng traydor ka. Everything was planned Count Verez. Sa transaction hanggang sa pagplano mo na pagpatay sa'kin. I calculated and planned everything to finish you off."

His eyes widened in shock. I smiled sweetly and innocently at him. "Wala nang tutulong sa'yo, sigurado akong napatay na nila Jasmine ang iba mong tauhan na nasa labas ng kwartong 'to."

Tumayo na ko at pinagpagan ang sarili ko. "Now, if you'll excuse me, babalik na ko sa asawa't anak ko."

Bago pa man ako maka-talikod ay narinig ko ang tawa niya kaya nagtataka ko siyang sinilip.

"Asawa't anak?" He laughed pero halatang nahihirapan siya. "Kilala mo ba talaga ang asawa mong 'yan?"

"Huh?" I tilted my head in confusion. "What are you talking about?"

"T-that husband of yours." Hinihingal na siya pero pilit siyang nagsasalita. "He killed your mother and grandfather!"

Napatigil ako sa sinabi nito. Nanlaki ang mga mata ko at halos nawalan ng lakas ang mga paa ko.

"I was there! I s-saw him kill the both of them! Inuna niya ang Lolo mo and after a week, ang Mama mo naman!" Pagpapatuloy niya.

I blinked bago tumingin kay Mister na nagtataka sa sinasabi nito. Halos magdikit na ang kilay nito.

I glanced at the Count, tilting my head again, bago ngumisi na ikinagulat niya.

"Is that so?" My sinister smile was drawn in my lips. Hinawi ko ang buhok ko before I chuckled.

"As far as I remember..." I stopped at umastang nag-iisip bago sinalubong ang tingin ng Count na unti-unti na talagang natatakot.

"I was the one who killed the both of them."

The VillainsWhere stories live. Discover now