Sweetest Karma (Final Chapter)

355 7 6
                                    

Pumunta kami sa greenhouse nila pagkatapos ng halos walang katapusang kulitan. I actually requested that. Matagal na kong curious sa itsura ng loob.

I was amazed by how big and organize that is. Naabutan namin nag gagarden ang mommy niya. It turn out na parehas kami ng hilig sa halaman. Pakiramdam ko nakuha ko na ang loob ng mommy niya habang nagkukwentuhan kami tungkol sa mga iyon. Tahimik lang na nakaupo si Mike sa tabi ko habang nilalaro ang kamay o ang buhok ko.

Kinailangan kong umuwi ng lunchtime dahil nag-half day lang si Mommy para makapag-shopping kami. Kahit ayaw ni Mike ay sinama namin si Max sa paghatid sakin. Namiss ko ang batang ito.

"Hey, stop hugging me. It's embarassing." Hawak ang salamin niya nagrereklamo sa akin.

"I can't help it. I miss you." Humalakhak pa ko.

Naglalakad na kami pauwi sa bahay. Nagtext na si mommy na nakauwi na daw siya.

"Tigilan mo yan Kyla." Saway ni Mike na nilayo pa ko kay Max.

Sinimangutan ko lang siya. Ang strict.

"Kamusta na ang nililigawan mo Max?" I teased him.

"I heard basted daw siya." Si Mike na malapad ang ngiti. "Si Bill ang sinagot."

Natutop ko ang bibig.

Umisnab lang si Max sa kapatid. "Makikita nilang lahat kapag ako tumangkad hindi ko na siya papansinin."

"Palitan mo. Ang daming babae diyan." Kumento ni Mike.

Tinampal ko ang braso nito. "Hoy." Kung ano-ano ang tinuturo sa bata.

"Bakit? Bata pa naman yan malamang puppy love lang yan binibigyan ko lang siya ng options." Inakbayan nito ang kapatid. "Fatima is prettier than her. I'll help you make a move."

"Stop it kuya."

"Ichachat ko siya mamaya." Si Mike.

"Sinabi ko ng wag mong pakialaman ang facebook ko." Hinabol nito ang tumatakbong si Mike.

Hayyy ang kukulit. Nakangiti lang ako habang sumusunod.



Pikit na pikit ang mata at hinihilot ni Hane ang ulo. Naawa ako sa kaibigan kaya binitiwan ko ang hawak na libro at hinilot ang likod niya.

"Oh that's better."

"Konting tiis na lang Hane matatapos na ang midterm natin." Nasa library kami ngayon at nagrereview para sa dalawang magkasunod na subject namin mamaya. Last na iyon pagkatapos ay wala na.

Dinungaw ni Hane ang cellphone. "Asan ba kase si Myco sinabi kong puntahan ako magpapaturo ako."

"Malamang busy rin yun sa sariling lessons Hane ako na lang ang magtuturo asan ba ang di mo maintindihan."

Naghalungkat ito ng notes sa bag. "Buti ka pa Kyla hindi mo na kaylangan magpaturo sa boyfriend mo."

Saglit kong tinignan ang notes niya.

"Siya ba ay nagpapaturo sayo ng subjects niya?" Biglang tanong ni Hane.

"Si Mike. Hindi naman nasilip ko ang grades niya last time okay naman. Tsaka Hane magkaiba kami ng course malamang hindi ko alam ang pinag-aaralan niya." I pointed that out. "Wala akong alam sa engineering."

"Bakit si Myco ay engineering din naman pero alam ang mga subjects ko."

Humalakhak ako. "Isn't it obvious. You're boyfriend's a genius."

Sweetest Karma SERIES 2 [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя