Kabanata 7

12 2 10
                                    

#CharltonAWIJ
Kabanata 7
Reality

Sumakay kami ng cab papuntang entrance ng Disneyland. Mas maaga pa sana kami rito kung hindi lang ako natagalan sa pagligo. Sa sobrang lamig ay nakipagtitigan muna ako sa shower ng hotel bago maligo. Hindi ko in-expect na malayo pa pala ang lalakarin namin papunta sa may bilihan ng ticket. Wala bang sasakay papunta ro’n?

Sa kanan naming ay ang Disney Hotel at sa kaliwa naman ang Disney Subway. Sana nag-subway na lang kaming dalawa ni Seve papunta rito para hindi hassle sa paglalakad. Ano kayang hitsura ng Disney Hotel? Baka naman parang mga Sofia The First o ‘di kaya ay Mickey Mouse.

“Seve, ang layo naman,” atungal ko sa kaniya. Kahit malamig ang panahon ay pinagpapawisan ako sa paglalakad. Hindi pa naman ako sanay maglakad nang malayo.

“Wala pang isang kilometro, pagod ka na ‘agad?” Sumulyap lang siya ng tingin sa akin dahil siya ang nauuna sa paglalakad. Pagkatapos ay naglakad lang muli siya ng diretso. May buwanang regla talaga ‘tong si snowball. Pabago-bago ng mood.

Nang makarating kami sa bilihan ng ticket ay si Seve ang nagbayad no’n. More than seven-thousand yen iyong binayaran niya para sa isang ticket. Napakamahal naman no’n! Sana nag-perya na lang ako sa barangay namin. Siya rin ang nagbayad ng ticket ko. Tatanggi sana ako pero siya pa rin naman ang magbabayad no’n kahit anong mangyari.

“Huy! Saan tayo pupunta? Napapanood ko sa mga vlogs na nadaan muna sila rito bago pumunta sa mismong Disneyland.” Hinawakan ko nang mahigpit ang t-shirt niya. Lumingon siya sa’kin na seryoso ang mukha. Itinuro ko iyong bilihan ng mga headband. Ang ku-cute kaya no’ng mga turista dito kasi may sari-sarili silang suot na headband.

“Ang corny mo.” He rolled his eyes. Nagpa-cute ako sa kaniya, nagkunwaring isang maamong tuta sa harap niya. Napahawak siya sa kaniyang ulo. “Fine.”

Kinalabit ko ang braso niya. Para lang kaming mag-ate rito sa Disneyland. Ganito rin naman katangkad si Ivan, sadyang mas matangkad itong si Seve. Namangha ako sa mga design ng headband na naroroon. Parang gusto ko silang suotin lahat nang isang bagsakan kaso hindi naman pupuwede ‘yon.

“Ano’ng mas maganda? Itong blue or pink?” tanong ko kay Seve. Tamad niyang kinuha ang kulay asul na headband na may design pang mga bituin. Sabagay lalaki siya at hindi niya pipiliin ang pink. Bagay rin naman sa’kin ‘tong blue dahil masiyadong bright iyong pink, eh ang gusto ko ay pastel lang na shade no’n.

“Tapos ka na ba?”

Umiling ako. “Wala ka pa ngang headband tapos aalis na ‘agad tayo? Ang corny no’n, Seve!”

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi at kumunot ang kaniyang noo. “Guys don’t wear headbands.” Sumulyap ako sa magjowang amerikano sa likod niya. Nakasuot iyong dalawa ng headband na kapareho ng design na mayroon ako. 

“Hindi naman nakakabawas ng pagkakalaki ‘to. Ang cute kaya!” Kumuha ako ng headband na kagaya noong tainga ni Mickey Mouse at isinuot iyon sa kaniya. Ang cute niya para siyang galit na Mickey Mouse.

Inalis niya ang headband mula sa ulo niya at ibinalik iyon sa pinaglalagyan nito. Ang kill joy naman niya para hindi magsuot ng headband. May sinasabi pa siyang lugar kung saan nag-e-exist ang magic tapos ayaw naman niya i-enjoy. Hindi naman ako maka-Disney pero ine-enjoy ko ‘tong pagkakataon na ‘to. Sanay ako sa mga cartoons sa channel five ng TV ni lola. Iyong mga Johny Bravo o kaya naman ay Spongebob Squarepants. For me kasi ay ang corny ng mga Mickey Mouse o kaya naman ay Sofia The First. Pang-baby lang iyong mga palabras na ‘yon.

“Dali na, Seve Mouse! Isuot mo na!” Kinuha ko muli ‘yong headband at binalak muling isuot sa kaniya.

“Seve Mouse?” tanong niya na nandidiri sa nickname na ibinigay ko sa kaniya. Ang cute palang tawagin siyang Seve Mouse kaysa snowball.

A Winter in JapanWhere stories live. Discover now