KABANATA 13

407 12 0
                                    

KINAGABIHAN ay hinatid siya ni Zoe papunta sa kwarto niya. Zoe was being the second Edward this day, lagi talaga ito'ng nakaagapay sa kaniya boung araw at kataka-takang hindi man lang niya ito nakitaan ng pagod sa mukha,

"dito ka na matulog, may bakanteng kwarto naman sa maid's quarter o kung gusto mo dito ka nalang, sa sofa ako" ani ni Edward kay Zoe na kinumotan siya saka inayos ang mga unan sa kama niya,

"hindi na, kaya ko naman maglakad" anito, napataas naman ang kilay niya,

"Zoe. Madilim ang daan papunta sa bahay nina aling Teresita" ani niya kay Zoe na umayos ng tayo at hinarap siya,

"ano ngayon? naka charge naman yung phone ko, may flashlight yun" ani ni Zoe, napailing-iling naman siya,

"no," pagpalag niya "kahit pa may dala ka'ng emergency light, hindi nun mapipigilan ang masasamang loob na nandito sa hacienda" aniya kay Zoe

"wala ka bang tiwala sa mga taga hacienda niyo?" tanong ni Zoe sa kaniya, bumuntong hininga naman siya,

"sa taga hacienda may tiwala ako, pero baka hindi mo napapansin na on-renovation ang mansion namin, may mga random construction workers kami diyan na ngayon lang din namin nakita," ani naman niya, totoo namang nag-aalala si Edward sa pag-uwi ni Zoe, gusto niyang dito na ito matulog dahil delikado,

"Edward. Okay lang ako, salamat sa pag-aalala, pero uuwi pa din ako kina aling Teresita" ani naman ni Zoe,

"Zoe. No. Baka kung ano'ng mangyari sa'yo sa daan at makapatay pa ako ng tao kahit baldado ako Zoe, hindi ako magdadalawang isip sunugin ang kaluluwa nang mananakit sa'yo kaya please, dito ka nalang matulog" pagmamatigas ni Edward, si Zoe naman ay napabuntong hininga at hinarap siya,

"ano ba'ng kinakatakot mo, Edward?" tanong ni Zoe na animong may gustong klarohin,

"na may mangyari'ng hindi maganda sa'yo Zoe!" agad na sagot ni Edward dahilan para magulat silang dalawa sa sagot niya,

"of course, responsibilidad kita, kapag may mangyari sa'yo," agad na bawi niya, napabuntong hininga naman si Zoe,

"tss. Don't worry, kapag may nangyari sa akin hindi kita sisisihin" ani ni Zoe saka inayos ang kumot niya,

"mamayang alas nuebe, ito'ng gamot na'to ang iinumin mo, nag-alarm na ako kung sakali ma'ng makatulog ka" bilin ni Zoe sa kaniya, "babalik naman ako dito bukas ala sais na" dagdag nito, tumango naman siya kapagkuwan ay inutos si Zoe,

"pakiabot naman ng cellphone ko, please" aniya, tiningnan naman agad siya ni Zoe kapagkuwan ay sinunod na din ang utos niya, nang iabot sa kaniya ang cellphone ay agad naman niyang tinawagan si mang Isko,

"dito ka muna, may tatawagan lang ako" bilin niya kay Zoe, sinagot naman agad ni mang Isko ang tawag niya,

"hello, mang Isko, may ipapasundo po ako sa inyo, baka po pwede niyo siyang ihatid sa bahay nila aling Teresita" agad na bungad niya nang sagutin ni mang Isko ang tawag niya,

"ah sige po sir, tamang-tama po, may ipapahatid si sir Earth sa rancho, isasabay ko nalang po siya" ani ni mang Isko, napangiti naman siya saka napatango,

"thank you mang Isko" aniya saka binaba ang tawag at tumingin kay Zoe na nakatingin sa malayo,

Edward took the moment to stare at the woman in front of him, she's spacing out so she didn't noticed that he's staring at her,

Zoe's beauty never denied the beauty of a nigerian and an Italian. Matangos ang ilong ni Zoe, halata kapag naka side view, lalo na ang mga mahahabang pilik mata nito, kahit na din straight na ang buhok nito ay hindi pa rin maitatangging maganda ito,

Lost in Love (Hacienda Sevida Series 2)Where stories live. Discover now