tshirt 17

380 18 14
                                    

Third Person's POV

"Sabi kong tingin sa dinadaanan eh!" sigaw ni Taeyong habang yakap yakap ang isang Rose.

Rose look at him sadly.

"Ha?"

"Anong nangyare sayo? Bakit lutang ka?" tanong ni Taeyong na alalang-alala kay Rose.

Pinilit naman na ngumiti ni Rose. Hindi niya alam bakit siya apektado sa nakita niya. Oo, crush niya si Jaemin pero hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan ng todo.

'Crush lang naman eh, bakit ako nasasaktan?' tanong ni Rose sa isip niya. Umiling siya at huminga ng malalim.

"Okay lang ako. Anyways, salamat haha! 'Di ko alam na babanga pala ako, may tinitignan kasi ako" pilit na ngiti ni Rose.

Pasilip naman na tinignan ni Taeyong ang hawak na cellphone ni Rose. Nanlaki ang mata niya ng makita niya ang picture ni Jaemin kasama ang isang babae.

Alam niya kung saan galing iyon. Sa kapatid niya.

Marami ng alam si Taeyong tungkol kay Rose simula pa noong una. Lumabag siya sa patakaran ng school para lang maging president ng Student Council si Rose. At ito na rin ang paraan niya para magpapansin kay Rose

Taeyong sigh.

"Basta magingat ka. Tignan mo kasi, hindi mo namamalayan masasaktan kana" sabi ni Taeyong. Tumango lang si Rose at nagpaalam na umalis.

Walang magawa si Taeyong kundi pagmasdan ang paalis na Rose.

Kailan kaya siya mapapansin at magugustuhan ni Rose?

TSHIRT | Lee Taeyong ✔︎Where stories live. Discover now