tshirt 24

358 19 26
                                    

Rose's POV

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang pinagmamasdan ang t-shirt na binigay ni Taeyong sa akin. Suot suot niya ito noong araw na 'yun, bakit parang sakto lang sa akin? At bakit gustong gusto niya na suutin ko 'to? Pinapaaga niya pa akong pumasok. Ang weird niya.

Kinuha ko na ang bag ko at dumiretso na papunta sa school. Foundation day ngayon kaya busy lahat. At mamayang 3PM ay mag peperform sila Taeil tapos sasayaw naman sila Ten.

Habang naglalakad papasok sa school ay pansin ko ang tingin sa akin ng mga students. Nagbubulungan pa ang iba. May problema ba sa porma ko? May dumi ba sa mukha ko? Bakit nila ako pinagtitinginan?

Litong lito ko lang silang tinignan at pinagpatuloy ang paglalakad ko.

"Peste!" halos sigaw ko ng naramdaman kong may umakbay sa akin. Napatingin ako sa gumawa nun.

"Taeyong ginul--teka bakit same tayo ng--don't tell me!?" nanlaki ang mga mata ko ng napagtanto ko na parehas kami ng t-shirt na suot. Para bang nag-couple t-shirt kami. May suot rin siyang dog ear hairband. Napaatras na lang ako ng may ilalagay siya sa ulo ko. Isa itong cat ear hairband.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo? " tanong ko kay Taeyong.

"Letting them know... what's mine?" tanong ni Taeyong

"mine what? Hoy Taeyong wala akong sinabi na sayo ako--" naputol sasabihin ko ng nagsalita siya agad.

"Wala nga pero sinuot mo yung tshirt na binigay ko, so that's mean... mine kana wala ka ng magagawa doon." napangiwi nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Ewan ko sayo." sabi ko at akmang aalis na ng hilain niya ako.

"One more thing" sabi niya at sinuot sa akin ang hairband na cat ear.

Ramdam ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nafafall na ba ako sa isang ito!?

"Perfect" he said and smile.

TSHIRT | Lee Taeyong ✔︎Where stories live. Discover now