Prologue

8 3 0
                                    

"Bro..." agad nagbago ang timpla ng mukha niya ng makita ako, hindi pa man ako tuloyang nakalapit ay sinalubong na niya ako ng suntok.

"Gago ka! Ang lakas naman ng loob mong magpakita sakin dito matapos mong saktan ang kapatid ko!" galit na galit niyang sigaw, alam ko naman na mali ako eh, napakagago ko dahil sinaktan ko ang kapatid niya pero nagsisisi na ako, kung maaga ko lang sanang narealize ang halaga ni Zandrine... hindi na sana nagkakaganito.

"Kung hindi lang talaga kita bestfriend hindi lang yan ang aabutin mo!" pulang-pula na siya ngayon at halatang nagpipigil sa sariling suntukin ako ulit.

"Sorry..." yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko, ang dami kong gustong sabihin pero wala akong lakas magpaliwanag dahil sa ginawa ko sa kapatid niya.

Ang tanga ko kasi!

"Sorry?! Sa tingin mo may magagawa yang sorry mo?! Aze, hindi lang isang beses mong sinaktan ang kapatid ko! Ilang beses mo na siyang sinaktan! Halos gabi-gabi siyang umuuwing umiiyak dahil sayo! At pagod na akong makita siyang nasasaktan! Matagal na akong nagtitimpi sayo pero wala akong magawa dahil yun ang gusto ng kapatid ko!" sinuntok niya ulit ako kaya natumba ako, ramdam kong dumudugo na ang ilong ko, naiintindihan ko siya at handa akong tanggapin lahat ng suntok niya para lang mapatawad niya -nila- ako.

"Patawad bro... please hayaan mo akong makausap siya." halos lumuhod na ako sa harap niya, pero nanatili pa ring masama ang tingin niya sakin.

"Akala mo ba hahayaan pa kitang makausap siya?! Tang ina mo! Hindi ko na hahayaang masaktan pa ulit ang ang kapatid ko dahil sayo!" akmang tatalikuran na niya ako ng pigilang ko siya.

"Bro please... nagsisisi na ako. Patawad, patawarin mo ako." mariin niyang ipinikit ang mata niya para pakalmahin ang sarili niya at nagpakawala ng napakalalim na hininga bago ako hinarap.

"Sana maintindihan mo pare, ayoko nang masaktan ang kapatid ko, walang magagawa yang pagsisisi mo kung siya mismo ay ayaw na sayo." natigilan ako sa sinabi niya at mapait na ngumiti.

"Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi." pinigilan ko ang sarili kong maluha, alam kong mas masakit pa ang ginawa ko kay Zandrine kaya wala akong karapatang mag galit.

Nagbago na siya, nakalimutan na niya ako, ang tanga ko kasi.

"Tama ka nasa huli nga ang pagsisisi." nanlamig ang buo kong katawan ng marinig ko ang boses niya.

Dahan-dahan akong humarap sa likod ko, may nararamdaman akong kirot sa paraan ng pagtingin niya sakin. Walang kasing lamig ito, at parang ni katiting ay wala siyang nararamdaman sakin. Nakalimutan niya na nga ako, she really moved on.

Zandrine....

"Z-Zandrine-" hindi pa man ako nakatapos sa dapat kong sasabihin ay agad na niya akong pinutol.

"Tama ka nasa huli nga ang pagsisisi..." ulit niya, bakit pakiramdam ko masakit ang susunod niyang sasabihin?

"Ngunit ikaw na nga ang nagsabi... huli na kaya tumigil ka na." hindi ko na napigilan ang luha ko, kusa na itong tumulo. Tang ina nakakabading! Pero wala akong pakialam. Pinilit kong sinalubong ang tingin niya, huli na ba talaga? Nakalimutan mo na talaga ako Zandrine? Bakit ang bilis naman? Isang buwan lang ang lumipas eh, pero hindi naman yun imposible. Paano ako titigil? Kung sa isang buwang lumipas ay ikaw ang palagi kong naiisip? Bakit kasi hindi ko 'to narealize noon, habang patay na patay ka pa sa'kin?

"Zandrine please mag-usap tayo... please kahit saglit lang." pagmamakaawa ko, please give me a chance to prove that I really love you...

"Para sa'n pa?" may kirot na naman akong nararamdaman, ang sakit pala kapag ginaganito ka na taong gusto mo, paano 'yon nakayanan ni Zandrine noon?

'Sooner or later you'll realize na gaano ka kaswerte na dumaan ako sa buhay mo...'

Naalala ko na naman ang sinabi niya bago siya umalis, baka ito na talaga ang sinabi niya. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako kaswerte na minahal niya ako. At ang sakit isiping huli na nong napagtanto ko.

"Please, Zandrine mag-usap tayo." napakuyom na lang ang kamao ko dahil naiiyak na naman ako.

"We're already talking idiot." malamig niyang tugon, kung ganon makikinig siya sa sasabihin ko?

"Zandrine sorry, sana mapatawad mo ako dahil... dahil gusto kita Zandrine. Mahal na kita..." napahalakhak siya sa sinabi ko.

"Ouh, nagkatotoo pala ang sinabi ko sayo noon? Narealize mo na ang halaga ko? But too-"

"Zandrine please give me a chance, please... bumalik kana." lumapit ako sa kanya para hawakan siya pero agad naman siyang umatras.

"Nagpapatawa ka ba? Wala namang tayo at hindi naging tayo para balikan kita... kaya sino ka para magmakaawa?" malamig niyang tugon, napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Oo nga't hindi naging kami pero minahal naman niya ako diba?

Minahal.

Ang sakit lang isiping minahal niya ako... noon lang yun, hindi na ngayon.

"Z-Zandrine, please... please, give me a chance. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako." humakbang ako para makalapit ulit sa kanya ngunit sa pangalawang pagkakataon umiwas na naman siya.

"May mga bagay talaga sa mundo na kahit maabot mo na pilit mong pinapalayo, ngayong malayo na siya pilit mo na namang inaabot. Alam mo ang tanga mo iyong-iyo na nga ako... sinayang mo pa'ko." yun ang huli niyang sinabi bago niya ako talikuran. Napako lang ang tingin ko sa kinatatayuan niya kanina.

'Tanga nga ako, bobo, at napakalaki kong gago pero isa lang ang alam ko... hindi ako susuko Zandrine, kung wala na ang nararamdaman mo para sakin... ibabalik ko yun at sa pagkakataong yun, masusuklian ko na ang nararamdaman mo...'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Mr. ColdWhere stories live. Discover now