16. the alley of wondrous things

82 31 29
                                    

I was so absorbed in adjusting to my new life that I never got to check in on what's happening back at home.

Bago ako umalis, pinakiusapan ko si Tita Szaya na bantayan ang kilos nina ama. I told her that I would call back as soon as makadating ako sa Sidra but I never got the chance.

Sinubukan kong tumawag ngunit hindi niya ito sinagot. Ilang minuto ang lumipas nang magvibrate ang cellphone ko na kasalukuyang nakapatong sa lamesa. Nandito ako ngayon sa kusina at hinihintay na matapos magluto si Zy. Si Keon naman ay nakahiga sa sofa at nanonood ng balita.

Kinuha ko ang aking telepono at binuksan ang mensahe.

From: Tita Szaya
Can't talk right now. Chair meeting. Call you asap.

I bit my lip in frustration and anxiety. Ni wala akong kaalam-alam kung ano na ang nangyayari. Gusto pa ba nila akong ipapatay? Ipahuli? Ikulong sa bahay?

The weight of the situation never left me since I arrived here in Sidra. Sa katunayan, mas dumagdag pa nga ang kabang nararamdaman ko. Hindi rin nakatulong dito ang ginawa ko kahapon.

Panigurado raw ay ipapahanap ako ni Neron, sabi ni Zy.

Well, what could I do? Hindi ko na napigilan ang sarili ko eh. Sobra-sobra ang ginawa nila doon sa matanda. Matatanggap ko pa kung iyong mga paninda lamang ang ginalaw nila, pero hindi.

I massaged my forehead as a mild pain occurred. Tama na muna ang kaiisip sa mga problema ko. Still, I should be more careful lalo na at dalawa na ang iniiwasan ko. Not to mention their henchmen.

"Food's ready!" Zy's voice was like an alarm, taking my mind off from my problems.

The smell of freshly cooked eggs and pork wafted in the living room, catching the attention of Keon's twitching nose.

Kung malapit lang kami sa isa't isa, baka makipaglokohan pa ako sa kaniya pero kung sakaling makipagbiruan man ako sa kaniya ngayon, paniguradong irap lang ang matatanggap ko.

Itinago ko ang cellphone sa jumper na ipinahiram sa akin ni Zy kanina. I jumped from my seat, kinuha ko ang mga plato at kubyertos at saka inilapag sa lamesa.

Before we started eating, Zy took the liberty to pray. Keon protested at first dahil gusto niyang siya ang magdasal, pero ang sabi ni Zy ay masyado raw kaming matatagalan dahil magwiwikang pasenyas pa raw ito.

Habang nagdadasal si Zy, hindi ko maiwasang hindi maisip na sa kabila ng dinanas nilang magkapatid dahil sa katayuan nila ay may mga bagay pa silang ipinapagpapasalamat.

I think, Ugsies see the beauty of life in a way that the bad things make them appreciate each day and the little things more and more. And maybe, that kind of perspective is what our world needs right now.

* * *

"Malapit na ba?" I asked impatiently.

As promised, mamimili kami ng mga damit ko ngayon. Sassy wanted to make my first shopping here in Sidra extra special kaya naman naisipan niya kaming dalhin sa isang lugar na tinatawag na The Alley.

Zy was excited too. Ang sabi niya, magugustuhan ko raw ang lugar na iyon at paniguradong mamamangha ako sa mga kagamitan na aming makikita.

Dahil wala akong ideya sa mga pinagsasabi nila at dahil hindi pa ako masyadong pamilyar sa mga bagay-bagay dito sa Sidra, kaagad akong napa oo. Napagdesisyunan ko na ring magsusuot ng sumbrero upang matakpan ang buhok ko habang hindi pa ako nakakapagpakulay ulit.

Ang hindi lamang kasali sa plano namin ay ang pagsama ng dalawang binata. Nang malaman ni Kio na mamimili kami ay kinulit-kulit nito ang kapatid upang makasama. Si Keon naman, mukhang hindi interesado pero dahil kay Kio ay napasama rin ito.

Beauty Is The New Beast (Part 1)Where stories live. Discover now