Chapter 02

12 4 10
                                    


#OIFLS02

Hindi ako makatulog sa kahihiyan na sinapit ko.

Bakit ko ba nilagyan ng cellphone number yung cup ng kape? Sigurado akong malandi ang tingin sa akin nung girlfriend nung Pierre na yun.

Eh ginaya ko lang naman yung paglagay ng number sa kape dun sa napanood kung pelikula. Hindi ko alam na sobrang tanga lang ang gagawa nun sa totoong buhay.

Hays

Nang umulan ata ng kabobohan naligo ako sa gitna ng kalsada. May bitbit pa ata ng balde para magbanlaw ulit sa cr.

Pipikit na sana ang mga mata ko sa antok ng biglang mag ring ang cellphone ko

Agad ko itong tiningnan.

Unknown number?

Sino naman kaya ito--

Pota yung girlfriend ito?!!

Ano gagawin ko?!

Sasagutin ko ba?

Bahala na nga.

"Rosalita! Kailan ka ba mag babayad na utang mo!" Sigaw sa kabilang linya.

Pota si nanay yung tinutukoy niya. Wala kaseng selpon si mama kase nasira kaya yung number ko na naman ata ang binigay niya sa mga kinauutangan niya.

Pisti naman

"Hello po--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang kunin ni Mama ang selpon ko

"Hello mare. Ito naman mag babayad ako. Hinihintay kolang mag padala si Mister. Huh? Kailangan mo na? Okay sige baka kailangan na rin malaman ng asawa mo na nag video call kayo ni Kumpareng Arnold kagabi" sabi ni mama at napanganga naman ako sa gulat

"Ahh okay so hanggang next week pa ako pwede mag bayad? Salamat mare" wika ni mama sabay end ng call.

Tiningnan ko si mama na puno ng gulat. Nang block mail ampota.

Nag hair flip lang sya. Kahit short ang hair niya.

Maya-maya pa ay nag ring ulet ang selpon ko

Unknown number

Kinakabahan ako. Sure ako na ito na yun.

"Hello" bungad ko

"Hi" tugon nito

"About kanina ayos kalang ba?" Tanong niya

"Ayos naman, nasira lang ang heels ko" Hindi ko mapigilan na mapaikot ng mata.

"Naku ganon ba? Sorry papalitan ko nalang" yung girlfriend.

"Hala ayos lang." Wika ko syempre plastik yun. Nakakahiya naman kung hihingi ako ng kapalit. Kahit sa totoo lang gusto kung ipalunok sa kaniya yung nasirang takong ko.

"Hindi. Papalitan ko. Ano ba name mo?" Wika nito, pati boses niya ang ganda. Pang binibini

Eh sakin? Pang binubuni.

"Rain, Ikaw?" Tugon ko

"Pia" wika nito

"Sige" kunwaring mabait na wika ko kahit deep inside ay gusto ko na syang murahin.

"Isa ka pala sa nabigyan ng libro sabi ng kuya ko" wika nito.

Naguluhan naman ako

"Huh?" Tanong ko

"Si Pierre yung kapatid ko--"

"Kapatid mo sya?!" Tanong ko

"Uhm oo" sagot nito

Our Ill-Fated Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon