Chapter 04

8 4 4
                                    

#OIFLS04

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dito. Wala na akong maisip, kailangan ko ng creative juices kung hindi ay hindi ako makagagawa ng magandang plate.

Kung sino mang magaling na multong architect sumanib ka sakin!

"Hoyy!"

"Ay pota!" Napasigaw ako sa gulat ng biglang sumulpot si Mezzy

May dala itong pizza

"Oh ang laway mo" pang aasar ni Mezzy

Tiningnan ko lang sya ng masama at sabay kuha ng pizza

"Patingin nga nang plate mo" Sabi ni Mezzy sabay kuha ng plate ko mula sa lamesa.

Natawa sya. "Same tayo sis wala rin akong maisip" wika nito na parang hindi big deal sa kaniya na bumagsak. Naway lahat.

"Ano ba ginagawa mo dito?" Tanong ko. Imbis na sumagot ay ipinakita niya sa akin ang ipad niya, nakangisi pa ang gaga.

Nagulat ako ng makitang naka log in dito ang account ko.

Pero mas nakakagulat ng makita na naconfirm na ako ni Pierre

Whattt?!!

Napangisi si Mezzy

"May love life kana sis!" Masayang sabi ni Mezzy

Hindi pa rin ako makagalaw sa gulat.

"Tingnan mo ang messenger"

Shet may chat na kami?!

"H-hoy Mezzy ano ito?" Tanong ko ng makita na may chat na kami.

"Basahin mo muna"

Rain: Hi thanks sa pag confirm

Pierre: No problem.

Rain: May jowa ka?

Pierre: hahahhaa why?

Rain: Mag aapply sana Hihihihih

Pierre: lmao.

Rain: Pwede mag apply? Pretty naman ako huhuhuh

Pierre: Section 17 article III of 1987 Constitution I invoke my rights against self - incrimination. I refuse to answer.

Rain: Ay dami learning bet ko tuhhh.

Pierre: lol so jowa na kita?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa ko

Tiningnan ko ng masama si Mezzy.

"So ano gusto mo ba ginawa ko? May jowa ka na---" sabi ni Mezzy pero hindi na niya natapos ang sasabihin niya kase hinablot ko na ang buhok niya.

"Gusto kitang saktan!" Sabi ko

Napatakbo sya sabay tawa.

"Tingnan mo ginawa mo?! Paano ako haharap sa kaniya sa kahihiyan?"

"Sa dami ng kahihiyan na ginawa mo ngayon kalang nahiya?" Pang aasar niya

Napagiisip isipan ko. Oo nga no'

Pero si Xayn. Mali itong ginagawa ko.

Inihagis kona lang kay Mezzy ang eraser pero nakailag lang ito.

* * *

Hanggang ngayon ay badtrip pa rin ako kay Mezzy. Ano na lang ang mukhang maihaharap ko kay Pierre? Sinabi ko yun kay Mezzy, sabi niya kung wala raw akong mukha na maiharap ay pwet daw iharap ko.

Our Ill-Fated Love StoryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant