Prologue

452 126 36
                                    

3rd Person's POV

  
LIFE IS A MATTER OF CHOICE. Araw-araw ay mayroon tayong pamimilian sa buhay. Ano man ito, kailangan na maging maingat dahil p'wedeng ito ang maging sanhi at bunga ng mangyayari sa ating hinaharap.

**

Sagana at nakukuha ang lahat, busog sa pangaral at pagmamahal mula sa kanyang ina at ama, 'yan ang kinagisnang buhay ni Irieth Hope Zotore.

Kagandahang loob at pagmamahal sa kanyang mga magulang ang kanyang kinasanayang maramdaman, na kulang na lang ay sambahin ang ama at ina, dahil para rito’y ang pamilya niya lamang ang lahat sa kanya. 

Pero gaano nga ba siya nakatitiyak sa buhay at sa mga taong nakakasama niya sa araw-araw? Sino at ano nga ba ang aasahan niya rito sa mundong walang kasiguraduhan gano'ng ang lahat ay p'wedeng magbago sa kanyang buhay dahil sa isang pagkakamali lamang?

Araw-araw ay binabagabag ng nakaraan, hirap magpatawad, magmahal at magtiwala. Iyon ang bigat na dala ni Irieth Hope Zotore dahil sa bangungot ng kanyang nakaraan.

PAST . . .



Nagmamadaling pumasok ng kanilang bahay si France Zotore, bitbit ang isang sanggol na babae. Masaya nitong sinalubong ang asawang si Carmi, dahil alam niyang ikatutuwa nito ang dalang surpresa para sa kanyang asawa.

"Hon, look! May baby na tayo!"

"Ha? Pero paanong— saan ito nanggaling?" nagtatakang tanong ni Carmi habang inaabot ng kanyang asawa ang sanggol na babae sa kanya.

"I-inampon ko, Hon. Mayroon kasing nanganak na hindi naman daw kayang buhayin kung kaya, hindi na ako nag atubiling kunin. Para naman hindi ka na rin nag-iisa, k-kapag umaalis ako,” kanda utal na paliwanag nito sa asawa.

Apat na taon ng kasal sina France Zotore at Carmi Martin-Zotore. Ipinakasal sila ng kanilang mga magulang dahil magkasundo ang mga 'to sa negosyo.

Palugi ang negosyo nila France kung kaya walang tangging pumayag ito sa desisyon ng kanyang ama, upang masalba ang kanilang kumpanya. Ngunit, ilang taon na rin ang lumipas ay hindi pa rin sila nito nagkakaro’n ng anak. 

Si Carmi ay isang baog. Gayunpaman, hindi iyon naging dahilan upang maghiwalay ang mag-asawa dahil buong puso itong tinanggap ni France at hindi kailanman sinukuan.

"Irieth Hope— tama! Hope ang ipapangalan ko sa iyo dahil ikaw ang aming buhay na pag-asa,” tuwang-tuwa na sambit ni Carmi sa bata habang binibigyan ito ng pangalan.

"Beautiful,” ani France.

Masayang-masaya sila sa pagdating ni Irieth sa kanilang buhay. Lahat ng atensyon at pagmamahal ay ibinuhos nila sa bata, dumating pa ang pagkakataon na hindi na napapansin ni Carmi ang asawa dahil halos ayaw nito mawala sa paningin ang anak. Ngunit, hindi naman ito big deal kay France sapagkat naintindihan niya rin dahil sa kasabikan nitong magkaroon ng anak.

Lumipas ang mga araw, buwan, at taon ay naging maayos at masaya ang pagsasama ng pamilya Zotore.

Pero,

Sa ika-pitong kaarawan ni Irieth ay tila nagbago ang lahat. Habang masayang sini-celebrate ng bata ang araw na iyon ay wala itong kamalay-malay na ang relasyon ng kanyang mga magulang ay tila kandilang unti-unti nang nauupos.

"Luce, makikita mo rin siya. Please! Walang alam dito si Carmi," hawak ang teleponong tugon ni France sa kausap habang nasa library nito. Hindi niya alintana ang pakikinig ng asawa sa pintuan ng silid na iyon.

Certainty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon