TMAIKY 5: UNMASKED

2 3 0
                                    

   3RD PERSON'S POV

"No,don't focus on people nor person.Focus to God do everything he commands us. Anytime from now,there's a possibility that He will get what He owned,our life.So don't waste time,we don't know our time."
-Ethan
~•~

  Marahang naalimpungatan si Ethan nang marinig ang takong papalapit sakanya.

         Inilibot nya ang paningin,saka lang nya napansin na nakatali sya at nasa loob ng pamilyar na bahay na matagal na nyang kinakalimutan.

         Papalapit ang tunog ng takong saka lumantad ang nakapurong itim na babae.May hawak itong baril at mga litrato.

         Tumingin sya sa kanan nya at nakita nyang nakatalikod saknya ang isang babae na nakatali rin.Nakilala nya ang suot nito bago sya nawalan ng Malay.

         "Zeah!"-tawag ni Ethan sa babaeng nakatalikod at nakagapos

         "Anong ginawa mo sakanya!"

Nagwawala si Ethan at parang gusto na nyang bumalik sa dating sya sa galit.

          "Pinili ko talaga ang bahay na'to dahil ang mga taong nasa litrato na 'to, ay ang mga nakatira dito.Naalala mo ba,Ethan Miguel Smith a.k.a 'dark'."

         Malamig ang boses nito habang nakatingin saknya ng malalim. Nilapag nito ang mga litrato.

         Guilt was written on his face.

Oo,natatandaan nya. At isa na nga siguro 'to sa isa sa mga kinakatakutan nya. It was all in the past, but the memories are fresh. Dito nagsimula lahat, at dahil rin dito nagbago sya.

       Ang dating 'Dark' na tila isang patapon ay nagbago ng Landas. Dahil sa
pangyayaring yun. Napapikit sya at napakuyom ng kamao upang pigilan ang halo-halong emosyon at ang pag flash ng iba't-ibang alaala.

     "Naaalala mo ba sila,Ethan?" Her sweet yet dangerous voice

     "Ang mga niloko at pinaglaruan at pinatay ng mga kapatid mo?!"  

      Dumagundong ang boses nito. Tila isang kulog na nagbabanta ng isang malakas na ulan. May pagngi-ngitngit ang pigil na boses nito na tila ba nagpipigil sa pagtapos ng buhay ni Ethan.

       Tumalikod ang babae at tumingin sa Itaas. Pinipigilan ang emosyon at tila ba may naalala sa nakaraan.

        "Minahal lang naman nila ang mga kapatid mo diba?pero dahil sa pagmamahal na yun, Naiwan ako mag-isa!"
  
      Nakatalikod parin Ito ngunit nakakuyom ang mga kamao.

     "Kapatid mo sila?" Guilt was still on him.

     Hindi nya matandaan na may kapatid pala ang mga pinaglaruan ng mga kapatid nya dati. Isa rin syang playboy dati kaya wala syang pakealam sa mga impormasyon dati ng mga nabibiktima nila.

"Nabalitaan kong namatay na pala sila, pity. Mas masaya sana kung sa kamay ko sila namatay." Tumiim ang bagang nito.

       "at katulad ka rin nila.Ga'no na ba karami ang niloko mo at sinaktan? Eh pano naman ang mga binugbog mo dahil sa fraternity?kaya kailangan mong mamatay." Humalakhak ito

Trust Me and I'll kill youWhere stories live. Discover now