Chapter 1

23 1 0
                                    


Highschool.

"Time's up! Pass your papers!!!" Sigaw ni Ms. Alexa Diaz. Sya kasi ang adviser ng section namin. Mukha syang terror teacher pero mabait naman sya, minsan. Katatapos lang ng aming exam sa Science and I'm pretty confident that I'll ace it again. Science is my favorite subject after all.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko dahil recess naman na after class at before my next class. Tiningnan ko si Natasha Arevalo, she is my bestfriend. Nagtanguan na kami at nagkaintindihan agad. Isa lang naman ang pupuntahan namin after class eh. Sa cafeteria. At nang tumunog na ang bell, kanya kanyang tayuan ang mga kaklase ko.

"Hoy! Jazmine Kaye Salvador! Tara na! Baka may umagaw sa favorite nating pwesto sa cafeteria. Bilisan mong kumilos dyan." Tawag saken ni Asha.

"Eto na, chill ka lang Asha. Gutom na gutom ka na ba?" Tinawanan ko pa sya para lalo syang sumimangot. "Let's go!!"

Sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria, kunti palang naman ang mga tao dahil siguro exams week at hindi pa tapos ang mga klase ng iba. Nakita namin ni Asha na vacant ang favorite spot namin kaya dali dali kami dun na umupo. Inilabas namin ni Asha ang aming mga baon para kumain.

"Nagluto si Mama ng Carbonara, dinamihan ko dahil alam kong favorite mo ito Jaz." Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga bacons and mushrooms sa Pasta. Ang creamy pa tingnan, talagang nakakatakam.

"Pakisabi kay Tita Nathalie, love na love ko ang mga pasta nya. Sa kanya nasisira ang diet ko eh." Asha rolled her eyes, kumuha sya ng paper plate na dala din nya para maglagay ng Carbonara.

"Pano ka hindi tataba, lakas mo kumain ng carbs. Rice na nga baon mo tapos may pasta ka pa."

"Kanino ba galing tong pasta? Diba baon mo. Saka may baon akong vegetable salad." Pinakita ko sa kanya ang lunchbox ko.

"Ewww. Hindi ako kumakain ng damo." She said that with disgusted face and with matching nasusuka effect.

"Arte mo, pektusan kita eh. Healthy to noh."

"Whatever. Let's eat. Nagutom na ako. Nadrain ang utak ko sa exam natin kanina. Mabuti nalang prepared tayo sa exam."

"Oo nga eh, mabuti nalang at nagreview tayo ng todo."

At sinimulan ko ng lantakan ang Carbonara ala Nathalie, ang mommy ni Asha. Gustong gusto ako ni Tita eh, syempre nagagandahan sya saken, mukha kasi akong Barbie, duh! Everyone can attest to that.

"Yo! Jaz, Asha!!" Pareho kaming lumingon ni Asha sa pinanggalingan ng boses na yun. Kilalang kilala namin ang boses na yun. Si Levy Dustin Francisco, ahead sya ng 1 year samen. Naging kaibigan namin sya dahil sa quizbee last year. Umupo nadin sya sa tabi ko. "Ano yan, stress eating?"

"Oo dahil tapos na ang exam namin sa Science kanina." Sagot sa kanya ni Asha.

"Ikaw, aga pa ah break time mo na?" Tinaasan ko pa sya ng kilay at sinamaan ng tingin.

"Chill lang kayo. Kakatapos ko lang din magexam. Maaga ako natapos eh kaya kakain muna ako. Mukhang madami kayong baon ah. Baka naman." Inabutan na sya ng paper plate at disposable spoon and fork ni Asha.

"Andito na naman po ang Rated PG! Patnubay ng mga magulang ay kailangan." Pangaasar ko kay Levi. NapakaPG kasi nito. "Kumusta naman mga exams mo?"

"Wag kayong magulat kapag nalaman nyong Top 1 ako ng section namin. Ako lang to si Levy." Sinabayan pa nya ng ngisi. Asha and I both rolled our eyes.

"Meron na naman pong namumuong sama ng panahon papasok sa ating bansa." Pangaasar ko sa kanya.

"Papangalanan natin syang bagyong Levy! Asahan nyo po ang malakas na hangin at pagulan. Kaya wag na kayong lumabas ng inyong mga tahanan at baka kayo ay matangay!" Pagpapatuloy ni Asha. Sabay pa kaming nagapir at humalaklak sa harap ni bagyong Levy.

Like a Shooting Star (On-hiatus )Where stories live. Discover now