Chapter 4

11 1 0
                                    


"And every shooting star is a proof. Falling can be beautiful when you give it all youve got."

                                                                                                 -Alicia N. Green

Chapter 4

I thought when KV invited me to watch him practice his piece, it will be just around the school. But I was completely wrong. And I was caught off guard when his sundo came at sumakay kami sa BMW nyang color black.

"Kidnapping to KV! Hindi mo sinabi saken na hindi pala tayo sa school magsstay. I'll call the police! I'll report you! Ipapablotter kita!! Kuya ibaba nyo po ako!!! Kuya!!!"

"Ang OA mo JK. Sa bahay ako magpapractice." He stated with a calm voice. Samantalang ako nagpapanic. Nakikita ko ang pagtaas ng gilid ng labi ni KV. Suppressing his laughter maybe. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Bakit kasi sa bahay nyo tayo pupunta? May mga instruments naman sa Music Club ah."

"Ayoko dun, saka nandun si Rav. Baka makalimutan mo ako kapag dun tayo." May nahihimigan ako sa boses nya pero hindi ko alam kung ano. Nagtatampo yata to.

"Huh? Pinagsasabi mo. I'll support you all the way KV, were friends remember. And don't include Rav in our conversation. Crush crush ko lang naman yun. Alam mo na, puppy crush." Tumawa pa ako pagkasabi ko nun.

"Icrash ko kaya ang mukha mo dyan sa bintana gusto mo?" Nakataas pa ang kilay nya ng sabihin nya yun.

"Ang harsh mo naman KV. San ka pala nakatira?" Hindi ko nga pala alam kung san sya nakatira. Sasama sama ako baka mamaya kung san ako dalhin nito accomplice pa nya si Kuya driver.

"Green Meadows." Sagot nya saken.

"Ah, dun din nakatira si Summer."

"Summer??"

"Summer Althea Singson. Yun complete name nya. Kilala mo?" Umiling naman sya kaya hindi na ako nagsalita pa. "Kaibigan din namin sya. Classmate naman sya ni Lance. Naaksidente sya kaya hindi muna sya nakakapasok."

Nagtext nalang ako kila Mama at Papa na malelate ako ng uwi. Sinabi ko nalang na may isusupport kaming kaibigan sa Music Club. They just replied "Ok and take care."

Napatingin nalang ako sa paligid nang pumasok ang sasakyan sa isang exclusive subdivision. Nandito na nga kami sa Green Meadows. Mahirap makapasok dito dahil super tight ng security not unless may back up galing sa loob. Ilang beses na akong muntik ng mataboy kapag nagpupunta ako kay Summer. Ang bruha kasi hindi pa nireregister ang pangalan ko sa mga visitors nya kahit na ako yung madalas bumisita sa kanya. Bruhilda talaga ang babaeng iyon.

Ilang kanto pa ang nilagpasan namin hanggang magstop kami sa isang Black ang Gold na gate. Automatic din itong nagbukas at pumasok na ang sinasakyan namin sa loob. Naunang bumaba si Kuya driver, pagbubuksan sana nya si KV pero sumenyas ito na Ok na. Naunang bumaba si KV at pababa nadin ako ng pagbuksan nya ako ng pinto.

"Wow, pagentleman effect." Ngumuso ako habang pababa ng kotse nya. Napatingin ako sa bahay na nasa harap ko. Ay, mansion pala. Malaki din ang house namin pero mas malaki naman ito. Mas rich kid pala itong si KV.

"Let's get inside JK. Bilisan mo lumakad. Pagong ka talaga. Tsss." I just rolled my eyes at him. Sanay na ako sa mga pangaasar nya.

At nang makapasok na kami sa loob. Mas namangha ako sa interiors at mga kagamitan. Everything embodies elegance and sophistication. Every artworks that hangs on the walls, I know how expensive they are. Just by looking at it. Meron din kasi nun si Kuya ko. He is an artwork collector.

Like a Shooting Star (On-hiatus )Where stories live. Discover now