Saranggola

326 11 0
                                    

Ako lamang dapat mag-isa ang gagawa,
Ngunit dumating ka kaya't tumulong ka.
Ang gawa nating 'sing kulay ng bahaghari,
Na kung saan puso natin ang naghahari.

Naaalala mo pa ba ang ngiti natin?
Ngiting 'sing kulay ng saranggolang paliliparin natin.
Kasabay ng paglipad nito ay ang paglipad ng pangarap natin,
Pangarap nating sabay na tutuparin.

Ngunit hindi ata tayo ang itinadhana para sa isa't-isa,
Dahil kasabay ng pagbagsak ng saranggolang likha natin,
Ay ang pagbagsak ng nararamdaman natin.

Ang akala nating pagmamahalan na walang katapusan,
Ay andito na sa hangganan.
Tinahak natin ang magkaibang landas,
Dahil ang damdamin natin ay unti-unti nang nalalagas.

Segundong naging minuto, minutong naging oras, oras na naging araw, araw na naging linggo, linggo na naging buwan at buwan na naging taon ay muli kitang tinanaw.

Ngiti ang sumilay sa aking labi,
Sa kadahilanang ikaw ay ngumiti ng muli.
At ikaw ay muli nagpapalipad ng saranggola,
Nakapanghihinayang lamang dahil hindi na ako ang iyong kasama.

Hindi na pala ako ang dahilan ng iyong mga ngiti.
Hindi na pala ako ang dahilan kung bakit ka masaya.

Pangarap pala natin ay tinupad mo na sakanya,
At mukhang sakanya ka na talaga sasaya.
Sige na. Ako'y lilisan na sa mundo mo at gagawa na lamang muli ng saranggola.
Saranggolang paliliparan ko na lamang ng mag-isa.

Tagalog PoemsWhere stories live. Discover now