Kabataan

341 8 0
                                    

Kabataan, Kabataan, Kabataan,
Saan na nga ba sila matatagpuan?
Ah, alam ko na.
Kasama nila ang kani-kanilang tropa.

Mga tungkuling hindi nila nagagawa,
Dahil mayroon silang pinagkaka-abalahan na iba.
Paggawa ng memes ang isa sa halimbawa nito,
Kelan nga ba sila mamumulat sa totoong mundo?

Mga kabataang nakararanas ng depresyon,
Kailan ba mabibigyang solusyon?
Nasaan ba ang mga kabataan ngayon?
Sila ay nasa kani-kanilang mga kuwarto, nagkukulong.

Mga kabataang mayroon ng bisyo,
Hindi man lang naisip na sa kanilang kalusugan makakasama ito.
Mga kabataang madaling pumapasok sa isang relasyon,
Pag nasaktan hirap na hirap mag move-on.

Mga kabataang nakalimutan ng gumalang,
Bakit nagkaganito na ang sistema ng lipunan?
Jowa at tropa na lamang ang sinusunod,
Nakalimot na sa mga magulang nilang sakanila ay nagtataguyod.

Mga kabataang pag hindi napayagan sa galaan,
Kung manumbat kala mo basta na lang nag desisyon ang kanilang mga magulang ng hindi pinag-iisipan.

Hindi pa huli ang lahat.
Pwede pa nating malinis ang mga kalat.
Pwede pa nating maayos ang gulo ng lipunan,
Para ang susunod na henerasyon ay hindi matulad sa mga kasalukuyang kasanayan.

Tagalog PoemsWhere stories live. Discover now