Chapter 37

6.4K 108 21
                                    

Hinanap pa namin kung nasaan ang mga kaibigan at pinsan niya. Nakita namin sila sa may beach, nagkukuhanan ng picture si Gabriella at Yaelle habang 'yong mga boys ay nagkukumpulan sa may bon fire na gagamitin raw namin mamayang gabi.

"Hello, I'm Rain." Agad na nagpakilala ang isang lalaking kasama nila paglapit namin. Malaki ang pagkakahawig niya kila Grien at Ried, parang nahaluan lang siya ng ibang lahi kaya malamang ay kamag-anak rin nila ang isang ito.

"Davina."

"Lovely, your name suits you." Sabi niya sa boses na may makapal na accent. Hinalikan niya ang likod ng palad ko at kumindat pagkatapos noon.

"Thank you-" Pumagitna si Drake at pilit na itinaboy si Rain. Hindi man lang siya nagpasimplemg gawin 'yon.

"That's too much."

"What? I'm just greeting her." Humalakhak si Rain at tsaka sumulyap sa akin kahit parang bakod na nakaharang si Drake.

"Don't test his patience, Rain." si Ried.

"Baka gusto mo ulit maputukan ng labi?" Dagdag ni Troy at humalakhak, naghahanap sana siya ng kasama tumawa at lumingon kay Air. Pero nakasimangot rin ito at matalim ang titig kay Rain.

"Nako, kulang lang 'yan sa inom. Tara na!" Initaas ni Grien ang lata ng beer na hawak niya at umakbay kay Rain at Drake na hanggang ngayon ay masama pa rin ang titig sa isa't-isa.

"Ladies! Tara na dito!" Aya ni Troy kina Gabriella at Yaelle.

Palubog na ang araw at nagsisimula na rin silang i-set up ang bonfire, pinaikutan namin ito at magkatabi kami ni Drake. Kaharap namin sila Air, Rain at Troy, sa kaliwa si Gabriella at Grien, sa kanan naman si Yaelle at Ried.

"I brought marshmallows pala guys!" Masayang sabi ni Gabriella habang kinukuha iyon sa bag niya.

Bigla akong napatitig kay Air na nakatitig na rin pala sa akin. He didn't even bother too look away, kaya sa huli ay ako na ang sumuko. Paglingon ko naman sa kanan ay nakatingin na rin pala si Yaelle sa akin, tinaasan niya muna ako ng kilay bago ngumiti.

"Bilisan mo nga, marshmallows are my favorite!" patay malisyang sabi ni Yaelle kay Gabriella.

Nakakailang ang atmosphere namin ngayon. Hindi ko alam kung ako lang ba, I pero parang napapalibutan kasi ako ng mga matang pinapanood lahat ng bawat kilos ko.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Drake sa beywang ko, mukhang ginawa talaga niya iyon para makuha ang atensyon ko.

"Ayos ka lang ba?" He whispered and made sure that I was the only one who heared it.

"Oo."

"We can leave if you're not feeling good." Bulong niya ulit.

Humilig ako sa balikat niya at humawak sa hita niya, pakiramdam ko kasi'y napapawi nito ang pagkailang na nararamdaman ko sa mga kaibigan niya. At least, I know somehow that Drake prioritizes my comfort.

"Kaunting inom lang 'to." I joked.

Nagsimula nang mag-jamming ang lahat. In all fairness, maganda naman pala ang boses ni Rain! Tunog international singer siya at mas lalong gumwapo, sinabayan pa ni Yaelle na maganda rin ang boses.

Natapos lang 'yong kantahan nang mag-suggest si Gabriella and na maglaro kami ng Truth or Dare. Paikot ito at nagsmula sa kaniya, unang nagtanong si Yaelle bilang siya ang katapat nito.

"Truth or Dare? Panindigan mo 'to ha?" Wala pa man ay mukhang natutuwa na si Yaelle sa kalalabasan ng sagot ni Gabriella.

"Ayusin mo tanong mo! Truth!"

"Wala ba talagang chance sa'yo si Grien?" tanong ni Yaelle.

Galit ang mukha ni Gabriella at namumula, kahit pilit niyang itago ang emosyon na iyon ay kusa itong lumalabas. Kinantiyawan pa siya nila Troy kaya lalong 'di niya maitago ang reaksyon niya.

"W-Wala nga!"

"Liar!" ani Grien.

"Kapal mo Grien! Yaelle humanda ka sa'kin!" saad ni Gabriella.

Ang sunod na tinanong naman ay ako. Nanahimik silang lahat nang mapansin nila na ang magtatanong sa akin ay si Air.

"Truth or Dare?"

"Dare." Saad ko dahil baka kung ano pang itanong niya sa akin.

Wala naman siguro siyang ipapagawang mahirap kaya ito nalang ang pinili ko.

"Can you tell us who was the first man to serenade you?"

Napamura ako sa isip ko. Hindi ko kasi naisip na pwede nga pala na maging dare ang ganoon.

"Si Drake," pagsisinungaling ko.

Nalukot ang mukha niya at hindi makapaniwala. Inaasahan niya sigurong pangalan niya ang babanggitin ko?

"Hinarana niya ako sa probinsya noon, sa luma naming bahay." Dinagdagan ko pa talaga ang kasinungalingan na iyon kaya lalong hindi maipinta ang kaninang confident na mukha ni Air.

Si Drake at Yaelle naman ay nauubo dito sa gilid ko, akala mo'y nakalunok ng mga buhangin.

"Ang sweet naman!" Si Gabriella.

"Hindi ko alam na ganoon ka pala manligaw?" pang-aasar ni Troy.

"Old-fashioned, huh? Anyway, I'm going to ask you now. Truth or Dare, Drake?" si Rain naman.

"Truth."

"Have you moved on from our ex Arlene?" Humalakhak siya.

"Rain!" awat ni Ried.

Natagalan bago sumagot si Drake, parang gusto pa nga niyang sunggaban noong una itong si Rain. Kaibigan ba talaga nila ang isang 'to? Tsaka anong ibig sabihin niya sa "our" ex?

"I wouldn't be in a relationship with another girl if I have not moved on." Kumalma ng kaunti si Drake nang himasin ko ang likod niya.

"See? That easy."

Bakit naman gigil na gigil si Drake? Ah, baka kasi hindi pa talaga siya nakaka-move on kay Arlene. Technically kasi, single pa rin naman talaga siya kasi peke nga lang itong relasyon namin. Okay.

"Okay! Move on na! Yaelle ako na ang magtatanong sa'yo! Truth or Dare?" Si Gabriella ay halatang gigil na bumawi sa ginawa kanina sa kaniya ni Yaelle.

"Dare me!"

"I dare you to kiss Air on his lips!"

Napanganga si Yaelle at mukhang na-offend si sinabi ni Gabriella, imbes na gawin niya 'yong pinapapagawa nito ay nag-walk out na lang siya. Medyo naiintindihan ko kung bakit niya ginawa 'yon.

It's because the guy rejected her! Baka nga mamaya'y itulak naman siya nito kapag sinubukan niyang gawin iyon.

Nanahimik bigla si Gabriella at natigil ang laro, paiyak na siya kaya't inalo siya ni Grien at sinabing. "It's not your fault." Eh kasalanan naman talaga niya? Masyadong walang preno kasi ang bunganga niya.

Imbes na naglalaro tuloy kami ngayon ay nag-inuman na lang, tumigil nga lang ako noong nararamdaman ko na ang hilo at gumegewang na ang buhangin sa paligid ko.

"Hon, don't drink too much." Sabi ko kay Drake at pinigilan siyang inumin ang hawak niya.

"Last one, honey."

Pumipikit-pikit na ang mata ko at kusang napapangiti ang mga labi ko kahit wala namang nakakatawa. "No, balik na tayo sa room. Please?"

"Okay po." Una siyang tumayo at inalalayan ako.

"Guys, sa room na kami. We're both drunk already," pagpapaalam niya.

"Kaya niyo?" Tanong ni Troy.

"Yeah!" Sabay naming sabi bago nagtinginan at nagtawanan na parang tanga.

Deal With DeceptionWhere stories live. Discover now