⚜️CHAPTER 3 ⚜️

1.2K 40 8
                                    

KEISHA { POV }

" M-ma'am andyan po ang mga kuya mo. " wala sa sariling napabalikwas ako ng bangon.

" y' yeah coming yah " nag ayos na ako bago bumaba.

" Goodevening my beloved family " Masigla kong bati. nakita ko naman sila kuya. anlaki na ng pinagbago nila.

" Goodevening sweetie/anak/ Baby/babe " Natawa naman ako ng sabay sabay silang bumati.

" You look happy babe. Is it because of your brother and me? " Nakangiting tanong ni kuya Saintpaul.

" It doesn't look like that. you have another reason why you are happy baby hmm? "

Malambing na sabi naman ni Kuya Zack.

" of course wala ng dahilan. You two are the only reason why I am happy right now.  I miss my two crazy brothers. " Nagtawanan naman kami nila Mom and dad ng inis na tumingin sila sakin.

Nasa kalagitnaan na kami ng tawanan ng magsalita si Mom. " Sweetie..baka malate ka na naman sa MIH. ugaliin mong maaga ang gising at baka masermonan ka ng mga Teacher's dun. " Tumango na lang ako sa sinabi ni Mom.

sobrang ganda ng School nayun. Kailangan mo ng Milyon para lang maka'pasok sa Sobrang sikat na paaralan.

" What does MIH mean baby? " Tanong ni kuya Zack.

" Montero International Highschool" Sagot ko.

Sila naman ay parang nanahimik. nang inangat ko ang tingin ko ay para silang may iniisip.

" what's the problem? " tanong ni Dad.

" Ohh Montero ang nangunguna sa malaking Company sa buong bansa. Bilyonaryo ang May ari nun. Napakatalino at magaling sa pag Handle. "  Biglang sabi ni kuya saintpaul. " Idol ko nga sya e . " pagmamalaking dugtong pa nito.

" What's his name ? " 

" Shawn Matthew sky Montero " Sagot ni kuya Zack.

" ohhh "

Bigla naman ako nakarinig ng tawanan. napaangat ang tingin ko sa kanilang tatlo. habang si kuya zack naman ay nakangiting napa'iling'iling na lang.

" Naks naman hahaha ang prinsesa namin ay interesado na sa lalaki. Hindi pa namin sya nakikita pero ang usap'usapan ay mala greekgod ang itsura at Malaki ang katawan.
sobrang lakas ng dating nya na halos mapanganga ka. Balita ko din ay Sobrang Cold nya. Walang sumusubok na kausapin sya dahil parang wala syang pakialam sa nakapaligid sa kanya. Seryosong seryoso at palaging walang emosyon" Mahabang lintanya ni kuya Saintpaul.

" Bakit mo natanong anak? gusto mo ba syang makita?. maging asawa? sabihin mo lang sakin at papapuntahin ko sya dito para maayos na. " Nakangiting sabi naman ni dad na ikinatulala ko.

" D-dad naman. " namumulang angal ko na ikinatawa ulit nila.

" Really Dad? magagawa mong papuntahin dito si Montero? Wow haha hindi nga sya medyo nagpapakita sa public o kahit sa television..Puro balita lang ang tungkol sa kanya pero kahit kailan ay hindi mo sya mapapapunta dito dad.. Ang isang Montero ay malalaki ang bayad para magkaroon ka ng Komunikasyon para lang makausap o makita sya. madami na ang sumubok nyan pero walang nagtagumpay dahil hindi sila Sinisiputan ni Matthew. " sabi ni kuya saintpaul.

" Nakita na namin ang batang iyon." nakangiting sabi ni Dad.

" T-talaga Dad? " Nakangangang tanong ni kuya Saintpaul. ako naman ay nagpipigil ng tawa kahit sila kuya Zack

" Konti na lang talaga mapagkakamalan na kitang bakla dahil sa sobrang idol mo kay Matthew. " iling'iling na sabi ni kuya Zack.

" oo mga anak. nakita na namin sya nung ginanap ang Party..Ang bata nya pa pero anlakas na mag handle ng ibat'ibang company. Sobrang gwapo halos lahat ay nasa kanya ang atensyon. kahit kami ng dad mo hinahangaan ang batang iyon. Pero sya ay naka focus lang sa Girlfriend nya ata o asawa na. " - mom

" Pero binalita din na wala na sila.." napatingin ako kay kuya saintpaul sa sinabi nito. " Iniwan nang babae si matthew sa hindi malamang dahilan. ang sabi sabi ay baka daw may ibang boyfriend ang babae. kaya mas lalong naging Cold at nakakatakot ang Awra ni Matthew. Halos lahat ng fans nito ay nagalit sa babaeng yun. halos lahat ng kababaihan saang lupalop ng bansa ay galit dahil sa pag'iwan nya kay matthew ang iba naman ay masaya dahil may'pag'asa na daw sila. haha akalain mo ang lakas ng loob ng babae na iwan yung lalaking halos nasa kanya na ang lahat. halos lahat ng kababaihan ay pinapantasya ang boyfriend nya tapos iiwan nya lang. kaya ngayon ay wala na silang alam kung may bago na ba si matthew." Mahabang kwento ni kuya paul

"  nagbukas ka na ba ng Account mo? trending ka at si Cedrix  " nagulat ako sa tanong ni kuya paul

" Trending? " paniniguradong tanong ko.

" Oo.. kaya nga umuwi kami dito para kamustahin ka. madaming nagalit kay Cedrix.

madami din ang kumakamusta sayo kaya siguradong sabog sabog yang Account mo. " Natatawang sabi  pa ni kuya paul

" Bakit kayo naghiwalay sweetie? " tanong ni Mom na ikinaiwas ko.

Legal kami bothside. kahit sa pamilya nya ay kilalang kilala na ako. well sya yung pangatlo

 sa mga official ex ko.

"  talk to him sweetie." sabi ni Mom.

" Kagabi pumunta sya dito.Umiiyak at nagmamakaawa na kausapin ka. kaso wala ka dito. " sabi naman ni dad.

" P-pero ang hirap na po magtiwala sa kanya " 

Ang tiwala kapag nawala, mahirap nang ibalik. Sabi nga nila diba "Tiwala lang." Pero dapat 

ang tiwala hindi ni la-lang. Kasi para itong salamin na kapag nabasag mahirap ng ibalik sa dati o kung minsan hindi na kayang maibalik.

Ang tiwala ay isa sa pundasyon sa pagkakaroon ng isang matibay na relasyon. Ang tiwala pag nawala mahirap nang ibalik. Kasi alam mo ba para maibigay ang tiwala it takes a lot of guts, lakas ng loob at paulit ulit na pag-iisip.

Pero dahil sa isang pangyayari nawala ang lahat. Ang tiwalang binuo, nawala na parang 

bula. Yung bang tipong kahit anong sabihin nya hindi mo na kayang maniwala.Kahit may ginagawa man sya o wala, hindi mo pa rin mapigilan na magduda sa kanya. Hindi mo mapipigilan ang mapaisip kung alin ba ang totoo.

Mahirap magbigay ng tiwala. Kasi sa huli pag may nang yaring nakapagpawala ng tiwala mo, parang nakakawalang gana na ulit ibalik at ibigay ang tiwala.

" I don't believe this " napa iling iling na sabi ni kuya paul

" Ang kabataan nga naman. sige na magpahinga na kayo, ipagpabukas niyo na lang iyan at alam kong pagod kayong dalawa sa byahe. wag masyadong magpaka stress at baka pumanget. " natatawang sabi ni dad. pero alam ko na pinapagaan lang nya ang sitwasyon.

" Taas na kami. matulog ng maaga wag magpuyat. Goodnight " Huling sabi nila Mom and dad.

" Are you okey babe? " Tanong ni kuya saintpaul.

" don't call her babe " Cold na sabi ni kuya Zack.

" What ? eh ikaw nga baby tawag mo e. " nakangusong sabi naman ni kuya paul.

" Sakin kase bagay kapag tinatawag sya. e sayo ang sagwa pakinggan. " iritadong sabi ni kuya Zack na ikinatawa ko.

Habang nag'babangayan sila ay pumunta na ako taas.

Nag linis na din ako ng katawan bago humiga. pinatay ko na din ang ilaw kaya ang tanging buwan na lang ang nagsisilbing liwanag dito sa kwarto ko. Hinayaan ko lang na tangayin ng hangin ang kurtina..

Ilang oras din ang nagdaan ng makaramdam na ako ng antok. pero bago magsara ang

mata ko ng may bagay na malambot ang dumikit sa noo ko.

" Goodnight baby, we will meet on monday. "

Huling salita na narinig ko. bago tuluyang bumigay ang mga mata ko.

One Night Stand with my ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon