CHAPTER 11

1 0 0
                                    

Arianne's POV

Kinaumagahan, nagising nalang akong nasa kama ako ni Arionne, nakahilata. At hindi ko na mahanap ang kakambal kong asungot. Bumangon ako at dumaan sa direct door patungo sa kwarto ko at nagsimulang ihanda ang sarili.

Naligo ako at nagbihis bago bumaba para kumain ng almusal, at nadatnan ko nalang na busy sila mama at tita sa pagluluto, kasama si tita Faith. Si mama, katulong ni tita magluto, si tita Faith naman ang tagapaghanda ng dadalhin.

Tinignan ko ang wall clock at... eight pa naman sa umaga. Tinignan ko ang sala at nakita si Avianna na kasama si Stella.

Sa halip na kumain ay pumunta ako sakanila.

"Good morning." Bati ko at pabagsak na umupo sa sofa.

"Good morning. Kumain ka na?"

"Nope." Sabi ko habang nakapikit na nakasandal.

"Kain na."

"Nasaan si Arionne?"

"Umalis."

"Awit, aalis ngayon, tas umalis pa siya. siya pa nga nag aya."

"Oo nga, sinusundo niya sila Leo."

"Ha?"

"Sinusundo sila Leo."

"Ha?!"

"Hatdog."

Dumilat ako at nakita ko si Stella na busy-ng busy sa paglalaro ng kaniyang cooking toys.

"Kasama parents nila?" tanong ko.

"Baka."

"Oh, crap."

"Hoy, crap ka pa dyan."

"Ngayon nga lang nagmura."

"Mura ba yan?"

"Ewan ko, nagaya ko lang kela Ppanyang e."

"Ppanyang?"

"Akala ko ba close kayo?"

"Nino?"

"Braytz."

"Oo nga."

"O, e bat di mo kilala si Ppanyang?"

"Sino ba si Ppanyang?"

"Si Maui. Yung Maureen."

"E ba't Ppanyang?"

"Stephanie siya 'e. Kilala mo ba si Tiffany Young?"

"Oo, baka ako nagintroduce sayo."

"Edi wow, pero ayon nga, Stephannie si Tiffany, diba? Ppanyang minsan tawag sakaniya ng ibang members ng SNSD, kaya tinawag ko naring Ppanyang si Maui."

"Magulo ka."

"Hinde, di mo lang talaga gets." Sabi ko bago tumayo, at bumuga ng hangin, "Anyway, Kain na ko. Kumain ka na ba?"

"Oo, matagal ka lang talagang nagising, nakita pa kitang naglaway sa kama ni Arionne. Yuck."

"Excuse me, hindi ako naglalaway."

"Nakikita mo ba sarili mo pag tulog?"

"Hindi."

"Edi wala kang karapatang itama ang sinabi ko dahil tulog ka non."

One Day Will Come... [ On-going]Where stories live. Discover now