Prologue

12 0 0
                                    


Author's Note: This book might contain errors (typographical, grammar, punctuation marks, etc.) as this would be my very first original work, so I hope you guys bear with me, I'm still learning. Some chapters might also contain explicit words and scenes not suitable for young readers, read at your own risk. Should you notice any mistake or wrong information within this work, please let me know in the comment section.

This is an original work of fiction by the author, most of the details are based on the author's experiences and imagination. Any similar information you'd read from this book could only be coincidences and in no way intended to plagiarise or copy other's work.

Thank you, and enjoy reading!

This is dedicated to my fellow Filipino readers across the world. :) <3

-------------------------


"Start without me. I'll be late." Nagmamadali kong sinuot ang blazer jacket at kinuha ang susi ng sasakyan atsaka bumaba patungo sa parking lot ng condo unit ko. 7:30 ang usapan namin ng team ko para simulan ang trabaho, pero 8:00 na ay paalis palang ako. Mukhang ako pa yata ang matatanggal sa sarili kong team.

Today is a big day, for me. Ito kasi ang major project na iha-handle ko since I did both the planning, and coordination of the event. And apparently, late pa akong makakarating. I just came back here in Manila five days ago, normal lang na mag-adjust pa ang katawan ko sa oras dito dahil sa 15 hours time difference nito sa Canada. In fact, ngayon lang ulit ako nakauwi dito after three years. And it's good to be back! Sobrang daming nagbago lalo na at nadagdagan ang mga buildings. Yung traffic at polusyon lang ata ang walang pinagbago.

[Pero Ma'am, kayo po ang head dito, hindi po kami makaka-kilos kung wala pa kayo dito.] Nag-aalalang sabi ng isa sa mga venue designer na na-hire ko para sa event.

"Huwag ka ngang OA dyan, 11:00 am pa ang start ng event, it's only 8:00 am! I already sent my assistant a copy of the plan. Nandoon na lahat ng kailangan. Basahin nyo at umpisahan nyo na yung madadali na part" bilin ko. Mabuti nalang at advanced akong magisip, nabigyan ko na ng back up ng planner ang assistant ko in case na ma-late ako.


[Okay po Ma'am, pero kung magka-problem po at wala pa kayo dito, tatawag po ulit ako para ma-instruct nyo kami ng iba pang dapat namin gawin.]

"Yeah. Whatever. I have to go. Bye." Inis kong sambit bago ko ibinaba ang tawag. Pagsakay ng kotse ay madali kong isinuot ang seatbelt bago ini-start at pinaandar ang sasakyan. Ang aga aga, sira na agad ang araw ko dahil sa na-late ako ng gising. Dagdag pa 'tong pesteng traffic sa highway.

Iritado 'kong binusinahan ang isang motor na nag-overtake sa line ko. Ito na nga ang kinaaayawan ko dito sa Pinas, ang daming motoristang bida bida sa kalsada. Sa Villa Immaculada ang venue ng event na gaganapin mamaya, 30 minutes lang ang layo nito mula sa condo unit na tinutuluyan ko. Pero mukhang hindi yata sapat ang 30 minutes ngayon dahil sa pesteng traffic na 'yan.

Medyo humupa na ang trapiko kaya nakampante na ako, tatapakan ko na sana yung accelerator nang mapansing literal na paubos na yung gas ko. Base dito ay malabo nang makaabot pa ako sa venue kaya dumiretso na ako kaagad sa nadaanan kong gas station.

"Kuya naman e!" Inis na sambit ko sa sarili dahil akala ko ay full tank ito bago ipinagamit sa akin. Hindi ko naman talaga kotse itong gamit ko, hiniram ko lang 'to sa kapatid ko dahil nga five days pa lang naman ako dito sa Pinas at wala pa akong time para kumuha ng sarili kong sasakyan.

Ipinihit ko pa-kanan ang kotse para ihinto ito sa unang station. Kailangan ko lang naman magpa-gas, ayokong magtagal dito dahil sobrang male-late na ako sa event. Napa-preno ako nang biglaan nang aksidenteng mabangga ang gilid ng kotse na nagpapa-gas din sa tabi ko.

Run into YouWhere stories live. Discover now