02

181 9 7
                                    

Dino didn't know what to do anymore. Noong nagmessage pa lang at nagpop-up ang chat nito sa kanya'y iba na agad ang naramdaman niya, hindi niya alam kung bakit.

Because he thought he just only attracted to him or infatuation lang ang nararamdaman niya. He can't explain his feelings, it's just something so unpredictable yet it's also something magical.

Hindi siya mapakali after taking a bath. Nagpabango siya ng mamahaling pabango, yung tipong kahit ilang dipa pa ang layo nila ay maaamoy nito ang pabango.

Nag-ayos ng mukha, hindi ganoong kakapal ang nilagay niya sa mukha niyang kolorete, yung tipong natural lang at hindi ganoong halata. Kapag nasinagan ng araw ay magg-glow siya.

Nagsuot siya ng simple ngunit presintableng damit. Nasa sa isip niya ay aba siyempre crush niya ang darating kaya dapat ay hindi siya mukhang 'mess' sa harapan nito.

Napatalon siya sa gulat kagaya ng puso niya ng marinig ang busina sa baba, hinawi niya ang kurtina at sumilip sa bintana, excited na excited at alam na alam na siya na nga iyon.

At nang makita niya ito ay agad niyang naramdaman ang mga paru-paro sa kanyang tiyan. Kasabay ng malakas at marahas na pagtibok ng kanyang puso.

Nakasakay si Nemeses sa kanyang motor. Bumaba ito at tinanggal ang helmet, dahilan upang magulo ang buhok nito. But for Dino, he still look hot even if his hair was disheveled.

Agad na namula ang kanyang pisngi at nag-init ito, sa pula ay parang puputok na kamatis. Paano ba naman, ang crush niya ay nasa ibaba ng condo niya ngayon.

Nakasuot ng white button-down polo, fitted ito sa well built niyang katawan, defining his fine muscles. Ganoon din sa kanyang pang-ibaba, suot-suot ang kanyang faded jeans at white rubber shoes mula sa isang sikat na brand.

Hindi niya makontrol ang sarili na pagmasdan ito, well he kinda look badass, nasa aura niya kasi yon. Hindi na niya ito pinaghintay at agad nang binaba ito.

Bawat hakbang niya ay kasabay sa kanyang paghinga, kahit na air conditioned ang kabuuang building ay ramdam niya ang pagpapawis ng bawat sulok ng katawan niya.

Ang malakas na pagkabog sa kanyang dibdib, maihahalintulad sa pagtambol ng malakas sa isang rock na concert. Ganoon siya kaapektado.

Nang nasa unang palapag na siya at naglalakad na palabas ng gusali ay agad siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Unti-unti siyang lumapit dito, palapit ng palapit ng palapit sa kanya, hindi niya mapigilang mailang ngunit hindi niya rin kayang iwasang hindi tumingin dito.

At nang ilang metro na lang ang layo nila sa isa't isa...

"Dino, here's your notebook." Saad nito sa isang malamig at walang emosyong tono, bago iniabot sa kanya ang notebook niya.

Nang kuhanin niya ang notebook niya'y napaigtad siya ng kaunti ng magtama ang kanilang mga balat.

Naiilang na siya ng sobra.

Agad siyang umatras at nahihiyang ngumiti. Pilit. Ngunit pinili niyang lawakan ito kahit na medyo 'awkward' na talaga.

"Salamat." He answered. Thank, God! He didn't stuttered! Nemeses just nod his head at saka na sumakay sa kanyang motor at agad na sinuot ang helmet.

Agad na siyang tumalikod kaso...

"You didn't want my offer?" Saad nito. Ilang minuto pa siyang tumayo doon at nakatalikod dito. Naguguluhan at nagsisimula nang mangunot ang noo.

Matapos ay agad siyang muling humarap dito. Nagtatanong ang kanyang mga matang tumingin dito.

Kaya lang napansin niya ang kanang kamay nito sa kanya...

Iniaabot sa kanya ang kulay asul na helmet. Nagpabalik-balik pa ang tingin niya dito at sa kanya.

"Para saan?" He asked. Ngayon medyo nauutal na.

"Coffee, I guess?" He answered, ngunit hindi nakatingin sa kanya.

Dahil sa hiya ay para siyang tangang umangkas sa likuran nito.

"Mahuhulog ka nyan, put your hands on my waist." He suddenly stammered. His throat became dry at napalunok ng di oras dahil sa kanyang sinabi.

Dahan-dahan niyang inilagay ang mga kamay niya sa kung saan niya tinuro. And then he felt his hard abs.

"Hold on tightly." Paalala nito bago pinaharurot paalis ang motorsiklo at naiwang lumilipad ang utak ni Dino.

all that matters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon