CHAPTER 1

40 0 0
                                    

Less than two months ago...

"Kuya, pwede po bang bilisan natin?" hindi mapakaling tanong ni Clee sa driver ng taxi'ng sinasakyan niya. Hindi naman siya nagmamadali. Wala din siyang hinahabol. Pero ewan niya ba, pakiramdam niya ay kailangan niyang makauwi sa kanila as soon as possible.

Huminga siya ng malalim sa pag-asang mapipigilan niyon ang pag-iyak niya at pag-iisip ng kung anu-anong masama. Kagabi pa siya hindi mapakali nang tumawag ang Mama niya at tinatanong kung pwede siyang umuwi kaagad. Ilang araw na daw kasi siyang hinahanap ng Lola niya. Hindi niya gustong mag-isip ng masama. Pero kung ilang buwan ng mahina ang Lola mo at ayaw na halos kumain, kakabahan kang talaga.

As soon as she ended her call with her Mom, she booked the earliest flight possible on her way to her hometown – General Santos City.

Nagring ang cellphone na hawak-hawak lang niya. Mabilis pa sa kidlat na sinagot niya iyon.

"Andito ka na?" mahinang tanong ng Mama niya.

"Oo, Ma. Malapit na." sagot niya.

"Sige." iyon lang at sabay nilang pinutol ang linya. Wala man lang goodbye o "I love You" gaya ng nakagawian nila.

Iyon na yata ang pinakamahabang byahe na nagawa niya sa buong buhay niya. Wala pang kalahating oras ang byahe niya mula sa airport pero pakiramdam niya ay umabot na iyon ng ilang oras.

Hindi pa man tuluyang nakakahinto sa harap ng gate nila ang driver ay inihanda niya na ang bayad niya. Inabot niya iyon at hindi na hinintay pa ang sukli. Ramdam siguro ng driver ang pagkabalisa niya kaya nagmadali din itong buksan ang compartment at ilabas ang maleta niya.

Ang pinsan niyang si Yani ang nagbukas ng gate para sa kanya. Kinuha nito ang maleta sa kamay niya.

"Sinong nandyan?"

"Sina Papa po at Tita Perla." tukoy nito sa dalawa pang kapatid ng Mama niya.

"Si Lola?"

"Nasa kwarto po, Ate. Pati na si Tita Beng." banggit nito sa Mama niya.

Nagtuluy-tuloy siya sa taas. Pagbukas niya ng kwarto ay katatapos lang pakainin ng Mama niya ang Lola niya. Yumakap siya dito ng mahigpit.

"Pet?" hirap man sa pagsasalita ay nakuha pang tawagin ng Lola niya ang pangalang ginagamit niya sa bahay na iyon. Cleopet ang totoong pangalan niya. Petpet sa pamilya niya at Clee naman sa mga katrabaho niya.

Kumalas siya sa yakap ng ina at mabilis na nilapitan ang pinakamamahal niyang lola. Buong ingat na kinuha niya ang isang kamay nito at ikinulong iyon sa dalawang palad.

"Ako nga ito, La." Gumaralgal ang boses niya at tuluyan ng bumagsak ang luhang sa taxi pa lang ay pinipigilan niya na. Kagabi pa daw siya hinahanap ng Lola niya.

Ngumiti ito sa kanya.

"Sorry, La ha? Ngayon lang ako nakauwi. Masyado kasing magaling itong apo niyo. Maganda pa. Kaya laging busy." biro niya. Pinilit niyang ngumiti ng matamis sa kabila ng patuloy na pagtulo ng luha niya. Kilala siya ng Lola niya bilang ang pinakamasayahing apo nito. Iyong mahilig mang-asar at lagi itong tinutukso.

Tumango ito. Kitang-kita niya naman sa mga mata nito na naiintindihan siya ng Lola niya. Bagay na mas lalo pang nagpaluha sa kanya.

Mahigit isang taon na ang nakakaraan simula nang magkaroon ng mild stroke ang Lola niya. Isang taon na rin itong nakaratay sa kama pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na makita itong ganoon. Her grandmother lived all her life very actively that it pains her to see her this way. Sanay siyang nakikita itong masaya at masigla. Iyong sa kabila ng edad nitong ninety years old ay nakakalakad pa ito ng maayos. Mabagal pero tuwid pa rin itong nakakalakad na hindi kinakailangan ng tulong ng iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In a Daughter's EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon