Chapter 18

10 5 4
                                    


Madison

Hindi pa tumutunog ang alarm clock ay dilat na dilat na ako.

Sino bang hindi sa lakas ng hilik ng dalawang ito,makakatulog ka ba ng maayos?

Magdamag na hindi umuwi ng dorm si Niccolo,hindi ako nagaalala pero napapaisip ako na saan kaya ito nagpunta magdamag?

Ngayon ko lang ulit na alala si Kayelyn,hindi ito nagawi sa Canteen kagabi baka gutom na iyon kaya naisipan kong lumabas ako at tinungo ang kinaroroonan niya.

Nakailang katok pa ako bago tuluyang may magbukas ng pinto.

Bumungad sa akin ang bruskong lalaki na nakasando't boxer lang,jusq bakat na naman si birdie!

"an'jan ba si Kay-este si Jacob?" phew so close!

"oo natutulog pa"mahinahon niyang sambit sa akin.

"kagabi ba nag-dinner siya?"sinabay ko na din itong tanong na ito dahil hindi ko talaga siya nakita kagabi.

"hindi nga e,ang sabi niya busog siya pero parang namumutla,may sakit ba yun diba kapatid mo yun?"anitong lalaki.

"wala naman" sa pagkakaalam ko..."ah pagkagising pakisabi na lang na kumain agad"habilin ko pa dito.

"Salamat nga pala-----"

"Rhyle"

"ah salamat Rhyle"sabay abot ko ng kamay rito."Mad-Liam dre"pakilala ko rito.

Hindi na din ako nagtagal rito dahil paniguradong mamaya ay tutunog na ang bell hudyat na kailangan ng maghanda ang lahat sa pagpasok.

Kung tutuusin normal na paaralan lang din ito...

Pagkapasok ko sa kwarto ay ganun pa din ang dalawa kaya ako na ang kusang gumising rito sa mga tulog mantikang ito.

Napangisi na lang ako,naalala ko na naman si Kuya Kelvin at Denver na perehang tulog mantika madalas ko silang gisingin sa paraang alam ko.Hindi ko sila mahila pababa ng kama sa bigat kaya kinikiliti ko na lang ang mga paa nila o di kaya sa tagiliran o tenga.

Madalas gigising ang dalawang yun na animo'y mga biyernes santo ang mukha.

Yun ang isa sa mga kaligayahan ko,kamusta na kaya sila?

*kringgggggggggggggggggggggggg

Ayan na ng aba e!

Ginising ko na ang dalawa sa abot ng aking makakaaya at gaya ng inaasahan ko hindi ko maiwasan ang matawa dahil kaparehas na kaparehas ng mga itsura nila Kuya Kelvin at Denver.

"dre,why naman ganun?"ani Ivan'g nakabusangot ang mukha sa akin.

"breakfast na!"hiyaw ko rito para matauhan at magising.

Babalik pa sana ito sa pagtulog ng paltukan ko ng malakas ang mga batok nila...

at heto dalawang paltok ang bumalik sa akin.

Ang hirap naman magmalasakit,parang ikaw pa napasama...

Ngayon ko lang napansin na wala palang C.R. dito sa loob kaya agad akong lumapit sa dalawa para tanungin saan pwedeng maligo.Sabi nung dalawa sumabay na lang daw sa kanila ang kaso nakakainip mga kilos pagong ito.

Hay naku ang yaman ng school na to walang sariling C.R. ang mga room.

Eww ekis agad!

Maingat kong inipit sa tuwalya ang susuotin ko ng maalala panty pala ang dala ko at hindi brief.

Naku po

-

Sa dulo ng hallway ay kumanan kami at duon ko napansing ibang C.R ito kesa sa una naming napuntahan ni Kayelyn mas malaki ito at maraming cubicle kumpara duon sa una.

Napalunok na lang ako ng mapagtanto na...na napapaligiran na ako ng mga nakahubad na lalaki hindi ko matanggap na hindi na talaga virgin ang aking eyes fcksh*t.

Napasinghap ako ng mapansin ang ilan pang kalalakihan na sabay sabay pumasok sa pintung kinatatayuan ko at isa isang pumasok sa cubicle.

"dre' ano pang hinihintay mo tara na" aya ni Ivan.

Pumasok ako sa pangalawa sa pinakadulong cubicle ngunit hanggang sa paliligo ko'y dala dala ko pa din ang aking mga nakita na animo'y isang plakang paulit ulit na nagfa'flash sa isipan ko.

Kailangan ko na talagang kumilos sa madaling panahon dahil hindi ko kayang tagalan ang ganitong bagay.

Dahan dahan kong binigkis sa aking dibdib ang telang ito naisip ko bigla si Kayelyn kung kamusta pa ito kahapon ay hindi pa siya sumasagi sa sulok ng aking mata,sa palagay ko talaga'y may malaki itong dinadala na ayaw niyang ipaalam.

-

Mabuti na lang ay kaklase ko si Ian kaya may kasabay ako sa pagpasok kinuha pa namin ang ID namin sa registar kaya umabot din ng kinse minutos bago kami tuluyang nakarating sa classroom.

Komportable ako sa uniporme nila na ala-Chinese uniform na animo'y pam-pe na din nakasuot kami ng plain white shirt napangloob at jacket uniform sa panlabas na kulay coffee brown ang sleeve at white sa kabuuan sa pangbaba naman ay purong coffee brown na may dalawang guhit sa baba.

At tuwing biyernes naman ay naka-formal attire kami na kulay brown.

Kuno ' para magbigay galang daw sa pagbisita ng may-ari ng paaralan na ito

*crossfinger

Sana mag-Friday na,



A/N:

Kung nalilito po kayo kung paano ko i-describe ang kanilanh mga uniform search niyo lang po ang uniform ni Hu yi Tian sa A love so beautiful tas imagine niyo yung brown version nun tas yung formal brown suit sa asa pinterest hehe.

#kayamoyanMadison

#anongsekretomoKayelyn!

To the most loveable man in the world(on-going)Where stories live. Discover now