Prologue

17 1 0
                                    

Hingal na hingal sa pagtakbo sa isang madilim na eskinita isang malalim na gabi ang isang dalaga...

"BUMALIK KA DITO! AKALA MO BA AY HINDI KA NAMIN MAHUHULI?!!!"

Ngunit hindi man lang nilingon ng dalaga ang lalaking sumigaw. Hinabol na siya nito kasama ang lima pang lalaki. Napaisip tuloy siya na sobrang suwerte niya naman para habulin ng anim na lalaki. Wala pa namang katao-tao sa lugar. Wala siyang mahihingan ng tulong.

Napahinto siya sa pagtakbo. Dead end. Sh*t.

"Mukhang wala nang tatakbuhan ang daga," nakangising sabi nung lalaking nakasuot ng itim na long sleeves. Ito rin ang sumigaw kanina. Nasa 40's na ito na para sa kaniya ay sobrang gurang at pangit kaya wala itong karapatang habulin siya.

Kung gwapo ang humahabol sa'kin, bakit naman ako tatakbo?

Dahan-dahang naglakad palapit sa kaniya ang anim na lalaki. Napasandal tuloy siya sa pader.

"Mukhang mahuhuli na ng pusa ang kawawang daga," nakangising sabi nung lalaking nakaitim na long sleeves.

"Talaga?"

Napatingin siya sa taas at nagulat siya nang makita niya ang isang binatang nakaupo sa pinakataas na bahagi ng pader na sinasandalan niya. Nakasuot ito ng puting t-shirt at itim na pantalon. Hindi niya gaanong makita ang mukha nito dahil tanging isang maliit na bombilya lamang ang umiilaw sa bahaging iyon ng eskinita.

"Pero ang pusa ata ang nahulog sa bitag ng tigre," patuloy ng binata.

"Tumigil ka, bata! Pwede bang huwag kang mangialam?!!" Sigaw ng lalaking naka-long sleeves.

Biglang tumalon pababa ang binata. Nag-landing siya sa gitna ng dalaga at ng anim na lalaki.

"Ano ba ang kailangan niyo sa kaniya?" Seryosong sabi ng binata.

"Hindi ka ba makaintindi na 'wag kang mangialam?!!" Sigaw ng lalaking naka-itim na long sleeves na biglang sinuntok sa mukha ang binata.

Sa sobrang gulat ng dalaga ay napasigaw ito.

Nung una'y hindi umimik ang binata pero nagulat ang dalaga nang bigla siya nitong lingunin.

"Miss," tawag niya sa dalaga.

Hindi siya sinagot ng dalaga sa sobrang takot.

"Pasensiya ka na kung kailangan mong makita 'to," at mabilis niyang sinuntok sa mukha ang lalaking naka-long sleeves. Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya ay humandusay ang lalaking naka-long sleeves sa lupa.

Dahil sa ginawa niya ay mabilis siyang sinunggaban ng mga kasama ng lalaking naka-long sleeves. Mabilis niya namang pinagsusuntok at pinagsisipa ang mga ito.

Hindi naman alam ng dalaga ang gagawin niya. Tuluyan na kasing nagsuntukan yung anim.

Maya-maya pa ay napasigaw siya nang biglang tumayo yung lalaking naka-long sleeves at hinawakan siya sa braso.

"Sasama ka sa'kin!" Galit na sabi nito.

"Bitawan mo 'ko!" Nagpumiglas siya ngunit sadyang malakas ang lalaking naka-long sleeves. Natatangay na siya nito palayo. Nilampasan nga lang nila ang binata at ang limang lalaki kahit nasa gitna ang mga ito ng labanan. Mabuti at hindi sila nahagip ng mga suntok, sipa, at nagliliparang bote at kahoy mula sa mga ito.

Muli siyang napasigaw nang biglang tumilapon palayo yung lalaking naka-long sleeves na humihila sa kaniya. Napalingon siya at nakita niya ang binata. Sinuntok pala nito ang lalaking naka-long sleeves.

Paanong nandito na siya?

Sinilip niya ang likuran ng binata para tingnan yung lima pang lalaking nakasuntukan nito pero nagulat siya nang makita niyang nakahandusay at mukhang hirap na tumayo ang mga ito. Tiningnan niya ang binata. Napaisip siya kung sino talaga ito at bakit napakalakas nito.

"Hindi ba't sabi ko, ang pusa ang nabitag ng tigre?" Seryosong sabi ng binata sa lalaking naka-long sleeves.

Kahit nakaupo ay dahan-dahang umatras ang lalaking naka-long sleeves. Nagmakaawa ito.

"E-Easy... Hi-Hindi ko na gagalawin 'yang babae, p-pakawalan mo lang ako..."

Ngumisi ang binata.

"Mabuti."

Nakahinga nang maluwag ang lalaking naka-long sleeves. Mahina din pala ang kokote ng isang 'to. May balak pala siyang pukpukin ang binata ng hawak niyang bato.

Ngunit nagulat siya at nakaramdam ng takot nang maging mas seryoso ang mukha ng binata.

"Pero kapag nakahuli ang tigre, hindi na niya ito pinakakawalan pa!" At paulit-ulit na sinuntok ng binata ang lalaking naka-long sleeves hanggang sa halos mawalan ito ng malay. Nabitawan nito ang hawak na bato.

Hinigit pa ng binata ang damit ng lalaking naka-long sleeves.

"Huwag ka nang babalik sa teritoryo ng tigre kung gusto mo pang mabuhay, mahinang pusa," mahina ngunit seryosong sabi ng binata.

Na-imagine naman ng dalaga na nanlilisik ang mga mata ng binata na gaya ng sa isang tigre habang nagsasalita.

Nakakatakot siya!

Binitawan na ng binata ang lalaking naka-long sleeves. Tuluyan itong nawalan ng malay.

Pagkatapos, walang anu-ano'y dire-diretso lang na naglakad palayo ang binata.

"Hindi niya man lang tinanong kung okay lang ba ako. Dire-diretso siyang naglakad palayo," naiinis na bulong ng dalaga sa sarili. Medyo na-disappoint siya sa ginawa ng binata. Ang akala niya ay gentleman ito at aalamin ang kalagayan niya. Ngunit mukhang mali siya ng akala.

"Sa-Sandali!" Tawag niya pero napaisip siya kung bakit niya pa ginawa yun.

Huminto ang binata pero hindi nito nilingon ang dalaga.

"Sa-Salamat," mahina at nahihiyang sabi ng dalaga. Kahit naman kasi naiinis siya ay dapat lang na magpasalamat siya.

"Sa susunod, huwag kang maglalakad mag-isa sa gitna ng gabi," sagot ng binata bago tuluyang umalis.

"Ano raw? Sino ba siya?" Bulong muli ng dalaga sa sarili. Hindi niya na talaga alam kung matutuwa siya o maiinis sa binata.

Kinalaunan, dahil na rin sa takot na magising pa ang mga lalaking humahabol sa kaniya ay agad na napagdesisyunan niya na iwan ang lugar. Pero habang nagmamadali siyang umalis, nakita niya ang isang kulay itim na wallet. Mabilis niya itong pinulot. Pagbukas niya ay tumambad kaagad ang larawan ng binata.

"Pogi din naman siya," nakangiti niyang sabi habang pinagmamasdan at sinusuri ang larawan ng binata.

Maya-maya pa ay hinalungkat niya ang wallet. Nagulat siya sa sobrang daming lamang pera nito na agad niyang binilang.

"Seventeen... Eighteen... Nineteen... Twe-Twenty thousand?!!! May ganito kalaking pera ang lalaking yun?!! Hindi kaya magnanakaw siya?!! Napakabata niya pa para magkapera ng ganito kalaki!! Hay, sana ol!!" Hindi makapaniwalang sabi niya.

Binalik niya sa wallet ang pera saka huminga nang malalim. Hindi naman siya ganun kabait pero gusto niyang suklian ang ginawang pagligtas sa kaniya ng binata. Kaya naman ay mabilis niyang sinundan ito kahit pa mukhang nakalayo na ito.

"Kailangang maibalik ko ang wallet niya."

G-SEVENDonde viven las historias. Descúbrelo ahora