13.5 Ang Sumunod na mga Pangyayari (Part 1)

194 15 6
                                    

Picture ni Bea------------------------------------------------------------------------>

BEA POV

Habang naglalakad ako palayo kay Denisse hindi ko na mapigilang umiyak.

Alam naman nya ang gusto ko kapag depressed ako at ang gusto ko  talaga sa ngayon ay ang mapag-isa muna.

Nagmadali akong pumunta sa likod ng gym hindi dahil sa yun ang lugar kung saan matatagpuan ko ang safe place ko kung hindi dahil sa gusto ko lang dumaan dun.

Ano ba kayo?!

*sniff* sniff*

Nagawa ko pang magpatawa sa mga panahong ‘to.

May pagkabaliw rin kasi ako eh…

*sniff*

Pumunta na ako kung saan gusto ko talagang ilabas ang hinanakit ko sa buhay. Dumaan ako sa elementary department ng SU at nagpatuloy sa playground nila.

Naupo ako sa swing kasi gusto ko maramdaman ang ang safe place ko kapag nasasaktan ako. Gusto kong nakakakita ako ng mga bata lalung lalo na ang mga naglalaro. Kapag nakakakita kasi ako ng mga bata ay mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko.

Subalit sa kasamaang palad ay walang mga mumunting mga paslit na sa ngayon ay naglalaro dito. Siguro ay may pasok pa sila.

Nalulungkot na naman tuloy ako kasi mukhang di umaayon sa akin ang tadhana.

Sa pag-iisip ko ay di ko na tuloy namalayan na pumapatak na pala ang mga luhang kanina pang gustong magsulputan.

Napahikbi ako nang wala sa oras at di  na talaga pa mapipigilan ang pag-agos ng aking mga luha na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring kumakawala at dumadaloy.

Made To Wonder (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon