Chapter 18

3K 85 8
                                    

A/N:  sorry for late update . This will be short. It so happen that im so busy in school. You know college life really sucks. Hoping you understand. Love you all guys vote and comment .

Chapter  18

" Past will still  ruin  you if they  know that you're still affected. " --- yours truly yours

Aemie

Pasway sway ako sa harap ng salamin habag pinagmamasdan ang anyo ko. Bakit ganon? Feel ko ang ganda ganda ko ngayon. Lumapit ako sa make up stand at kinuha ang  red na lipistik at foundation. Hindi pa naman ako maalam maglagay nito, pano kaya to?

Dahan dahan kong idinampi sa labi ko yung dulo ng lipistik at inilapat ko naman yung labi ko sa isat isa. Ang tamis ng lipistik parang gusto kong kainin.

Ayst! Bakit ba ang tanga mo Aemie dapat yung foundation muna. Yung nabasa ko kase sa magasin dapat yung powder muna ilagay ( so dapat pala yung Ariel ilagay ko) .

Pumasok ako sa banyo at naghanap ng pambabad. At dahil maganda ko nakakita naman ako ng pambabad, isang box pa. Sabi din sa magasin kelangan ng sponge para i-apply. Sa kusina diba may sponge? Pwede din kaya gamitin yung SPONGE  na kulay chocolate yung tagsasais tapos may butas sa gitna . Siguro?

Dahil tinatamad ako para bumaba at kumuha ng sponge hindi na lang ako naglagay ng powder. Magpapawis din naman ako. Haha

Inayos ko ang damit ko at kinuha na yung bag kong pink na nakapatong sa kama. Tsinek ko muna ang laman ng gamit ko kung kumpleto.

Cellphone ✅

Suklay ✅

Wallet✅

Susi✅

At ang di dapat kalimutan

pepper spray✅

Lumingon muna ko sa salamin at pinagmasdan ang malaking rilakkumang tatak sa  sa damit ko . Ang kyot talaga nito. At take note ! Si Nikko nagbigay nito sakin.  Tinago nya pa talaga to sa ilalim ng unan nya akala nya ata di ko makikita.

---

Dahil maaga pa naman naisipan kong dumaan muna sa bakeshop para bumili ng cup cake para kay Nikko panigurado  gutom na yun.

Pagkatapos ko sa bakeshop ay dumiretso na agad ako sa  building niya.

Nagkakagulong mga empleyado .

Pabalik balik na mga empleyado na di alam ang gagawin.

Pabalik balik na janitor sa escalator at elevator.

Anong meron bakit ang gulo nila?

Triiiiiiing....triiing....

Napaiktad ako at agad na kinuha ang selpon ko sa bag ko. Ang lakas pala ng tunog nito. Mahinaan nga to.

Hindi ko pa napipindot ang volume key at ang answer key ay napa awang na ang labi ko. Nanginig ang buo kong katawan  at parang minaso ang puso ko at nadurog ng sobra sobra. Sa di inaasahang pangyayari nalaglag lahat ng dala ko. Kitang kita ko pa kung paano nagkalasog lasog ang bawat parte ng selpon ko sa taas ng binagsakan . Pati na ang mga cupcake na hindi ko pa natitikman ay nagkalasog lasog din.  Kumanlansing pa ang mga susi sa bag ko .

Dali dali akong bumaba sa Escalator at tumakbo  palayo. Habang ang mga mata ko ay natabunan ng mga luha na hindi ko inaasahang papatak.

Mga bulaklak.

Magagandang bulaklak.

Nooooooooooooooooooooooooo!

Nikko

A contract with a Vampire(slowlyediting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon