Chapter 25

133 4 2
                                    

LAMBERT'S POV

Naalala ko ang takot na mukha ni Astrid kagabi. Hindi ko maiwasan tumigil sa ginagawa at mapangalumbaba at mapamura.

"BULLSHIT!"

"Ang agang almusal naman niyan pre!" Pagmumukha ni Alexander ang nakita kong pumasok sa pintuan ng opisina. "Hot coffee to cool your head." nakangising inabot niya ang dalang kape.

"Tch! Bakit ikaw palang?" walang ganang tanong ko.

"Hindi ako tanungan ng mga nawawalang wildlife animals." sabi niya habang prenteng nakaupo sa couch at sumisimsim ng kape.

"At ikaw ang orangutan Alex."
saad ng bagong dating na si Dave. Walang kangiti ngiti ang mukha nito.

"Whoaaa ... first time in the history na mukhang pinagsakluban ang mukha mo Dave." biro ni Alex.

"Kanina pa dapat ako nandito kung hindi lang ako muntik makasagasa ng babaeng tanga sa kalsada." Pabagsak itong naupo sa couch.

"Ohhh ... e di dinemanda ka?" tanong ni Alexander.

"Hindi. Pinagbabayad ako ng danyos sa kanya. E nakapreno agad ako bago pa dumikit ang baby ferrari ko sa kanya!"

"Mayaman ka naman e di sana nagbayad ka nalang! Mas gusto mo pa yata mademanda." saad ni Alex.

"Hindi ako magbabayad ng isang milyon sa babaeng yun." nakangusong reklamo niya.

"Then, rot in the jail." sabi ko habang inaayos ang mga papeles sa lamesa ko.

"What the hell happened to our business plan RichRoss! We're not making any progress!" bungad ni Raven.

"Ikaw nga tong late!" inis na sabi ko.

Sinimangutan ako.

"Hot blooded Aragon!" natatawang singit ni Alex.

"Santillan nandito ka na pala! Where are those bastards?!" inip na inip agad na tanong ni Raven.

"Maaga pa Aragon. Easy pre. Oh, magkape ka muna ng lumamig yang ulo mo." sabay abot ni Alex ng kape.

Naupo ito sa pang-isahang sofa.

"How's your life with your new secretary, Raven?" nanunukso si Dave.

"Disaster."

"Hmmmm ... maybe a good disaster." panunukso ni Alexander.

"Kung disaster yan, bakit mo tinanggap sa kompanya mo?" sarkastikong sabi ko.

"Cut the crap RichRoss." iritableng sabi niya. "I don't like Tessa, she's irritating the hell out of me."

"Wala naman kaming sinasabi na gusto mo si Tessa." saad ni Alexander.

"Shut up Santillan!"

Natawa nalang ako sa kanya. Halata naman na may gusto kay Tessa. In denial pa si gago.

"Yow!Yow!Yow!" malakas na bati ni Baxter kasunod sila Travis, Ethan, at Torrance. Kumunot ang noo ko na wala si Logan.

'Tch!'

"Raven anong klaseng pagmumukha yan?" si Travis.

"Tsk,Tsk,Tsk, huwag mong asarin ang hari ng mga Aragon baka lumipad ka nalang sa bintana ng opisina ni Lambert." saad ni Baxter.

"The hell! Isang milyon ang presyo ng bintana ko Baxter." sabi ko.

"Mayaman ako RichRoss, kaya kong palitan yan!" mayabang na saad ni Baxter. "Palitan pa natin yan ng ginto!" dagdag niya pa.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon