10 - O Pag-ibig

2.4K 144 60
                                    

Jema.

Monday na. Maaga pa lang pero kanina pa ako bihis na bihis at ready na akong pumasok. Super early akong nagising kanina, mga 4am yata hehe.

Excited?

Siempre naman, first day of my work sa bagong kumpanya kaya dapat maaga.

Dapat laging maaga kahit hindi first day at new company Jema.

Ay ganun ba yun? Hahaha.

Bigla akong napangiti. Naalala ko kasi ang mga ganap noong Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng umaga.

I had a blast on my birthday. That was one hell of a surprise birthday party, napaka unforgettable nito. Parang noong nakaraan lang, memorable. Thanks to my two sisters na sobrang mahal na mahal ako. They made sure pa rin to do something special for my birthday despite their situation of being jobless.

I learned from ate Jovi na nag ambag ambag sila ni Mafe at Mark para sa handa ko. Simple lang daw dapat ito kaso may nakialam sa plano nila.

Ang dakilang Valerie. Tumawag pala ito sa akin habang nasa shower ako kaya si Mafe ang nakausap. Natural, idinaldal ni bunso ang party ko.

Si Valerie daw ang nag order ng iba't ibang food doon sa resto at nag hire ng private room. Nahiya daw sila ate kaso di na sila makatanggi dahil hindi nga maganda ang umaayaw sa grasya.

Nagtataka naman ako kay Valerie dahil new acquaintance pa lang kami pero parang matagal na kaming magkakilala kung ituring nya. She really consider me as one of her friends.

What did I do to deserve her in my life? Hahaha, charot.

Natawa ako doon sa eksena namin sa gotohan. Kung hindi dahil kay Deanna eh baka viral na yung video ko ngayon.

Ang Mafe, nakuhanan pala yung pagkatapilok ko. Buti na lang at to the rescue ang aking boss, ambilis ng mga kamay, nahapit agad ang beywang ko. Yung mga tao doon ay napapalakpak na lang.

Eto pa ang mas nakakatawa. Hindi alam ni Deanna kung kakain o hindi. Nakita nya kasi ang sahog ng goto na mga lamanloob. Kinakantyawan sya ni Valerie na huwag masyadong maselan sa pagkain.

Medyo na challenged naman si Deanna kaya sumubo na rin ito pero nangiwi at hindi maipinta ang mukha, hahaha. First time niya ata kumain ng goto sa karinderya.

Sinabihan ko sya na mas masarap ang goto kung may toasted garlic on top and calamansi. Ako na ang naglagay nito sa goto nya at nagpiga ng calamansi juice. Ngingiti ngiti lang sya sa akin habang ginagawa ko ito.

Niloko loko pa sya nila Mafe at Ate Jovi. They asked her kung alam daw ba ni Deanna ang kinakain nya. She shook her head kaya tawang tawa ang tatlo sa kanya.

Binulungan ko na lang sya na ox tripe ito at malinis ang pagkakaluto dahil suki nga kami ng eatery na ito. She tried to eat pa rin pero hindi rin nya nakalahatian ang isang order. Hindi ko na lang sya pinilit. Baka talagang hindi sya sanay sa ganitong food.

Balak pa nya na siya ang magbayad nito. Siempre hindi ako pumayag na, ako ang nagbayad ng lahat ng kinain namin.

Jusko nag yabang pa e wala pang wampipti ang bill.

STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon