chapter 1

24 8 3
                                    


- prologue

"avery just give me a chance, please"

sambit nya sa akin habang hawak ang kamay ko at nakaharap sa akin.

"greg, ilang chance paba!" sigaw ko na may pag ka sarkastikong tono.

"inaabuso mo yung pagiging mababaw ko dahil lang mahal kita" sambit ko na may nagbabadyang luhang tutulo.

"minahal mo ba talaga ko? kase ako oo! haha sabagay marupok nga pala ako! diba haha"

tanong ko na may pag kasarkastikong tawa ngunit bakas parin ang lungkot sa aking mukha.

"avery minahal kita! a-at mahal kita.. -a-alam kong ilang beses na kitang niloko pero nagbago nako at alam mo yan"

"nagbago" buti panga yung mga kriminal nag babago pero yung mga manloloko nananadya kapag binibigyan ng "chance"

aniya ko sakanya habang matalim ang tingin at nag titimpi dahil gusto ko na syang sapakin. pero hindi ko magawa damn it!

"please im begging you... p-please give me one last chance aver-"

"im begging you to stop this sh*t!
k-kalimutan mo na ko at kakalimutan narin kita.."

sambit ko sa kanya habang mabilis na nag papatakan ang mga taksil na luha sa aking mga mata,

"avery d-dont do this to me please a-avery"

pagmamaka awa nya habang nakayuko at hawak ang mga kamay ko, naramdaman ko ang sunod sunod na pagpatak ng kanyang luha sa aking mga kamay...

parang nilamukos ang aking puso kasabay non ang mga pagpatak rin ng aking luha...

-

- - CHAPTER1
"hoy no! wag mo ngang galawin yan"
hyss nakita nya yung gift ko sakanya
:((

"para sa akin bayan mahal ayiee malapit na monthsary natin, kaya sure akong sa akin yan"

kompiyansang sagot nya.

"kung sabihin kong.. hindi sayo to?"
"ahh ganon ah!"
"h-hoy.. a-anong g-gawin mo"
"akin na yan!"
"hoy bat mo kinuha! akin na! akin na sabi greg ano ba!T_T"
"so sa akin nga to?"

tumango naman ako.

"p-pero sa monthsary ko pa natin ibibigay yan sayo mahal:(( kung ibibigay kona yan sayo wala na akong gift na ibibigay sayo sa monthsary natin"

nahihiyang sambit ko sa kanya.

"mahal hindi ko kailangan ng kahit na anong materyal na bagay magkasama lang tayo masaya na ako"

sagot naman nya, nangiti naman ako sa sinabi nya.

i know that greg is a playboy guy in our past...

ilan beses ko narin narinig sa kanya ang "chance".

and i promise to myself na...
yun na ang huling chance na ibibigay ko sa kanya,

at sinabi rin nya na nagbago na sya, at nakikita ko naman yon.

-
"hello mahal nasan kana? nandito na kase ako sa favorite resto natin"

"ahh mahal sorry.. mukhang hindi na kita mapupuntahan pero ! promise ko babawi ako sayo"

hindi ko maipinta yung itsura ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nyang yon,

hindi ko alam.. that word "babawi ako sayo"

yun din yung huling sinabi nya saakin bago kami non maghiwalay.

ahhh erase!erase!erase! ano bayang mga iniisip mo avery, baka busy lang yung tao. (o sa ibang tao)

-

"avery nasan ka?"

si riley best friend ko tumawag sya sa akin. i don't know why, baka may itatanong lang.

"yes nandito ko sa bahay ko, hindi ako umuwi sa amin ehh bakit? may kailangan kaba?"

sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"ahh avery k-kase nakita ko s-si greg."

sagot naman nya at natuwa naman ako dahil nagkita sila ng pinsan nya.

"o how's your cousin? nagkausap ba kayo? hindi kase sya tumatawag maski text, pero naiintindihan ko naman, malapit narin sya maging pilotl kaya magiging busy sya"

sunod sunod kong sagot... alam kona riley..

hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak... pilitin ko man na huwag pumatak, ang aking mga luha at humagulgol... nagawa kona.

"a-avery i-im sorry... alam mo na pala.. please avery ako na nakikiusap hiwalayan mona yung pinsan ko.. ako yung nahihirapan kapag nakikita kitang nasasaktan ng pinsan ko, kaibagan kita avery.."

si riley ang dahilan kung bakit kami nag ka kilala ni greg, at sya din pala ang dahilan para mag give up na ko sa relasyon naming magulo,

magulo nga ba? o sadyang ako lang ang magulo.

nagmamahal lang naman ako...
kahit alam ko na na mayroon ka nanamang ibang babaeng hinahalikan
mahal parin kita.

"ah r-riley, h-hindi ko ata kaya yang sinasabi mo haha"

tanging iyan ang lumabas sa aking bibig ramdam ko parin ang pagpatak ng aking luha.

"avery naman, p-please nasasaktan ako sa sitwasyon mo, alam kong masakit pero kailangan mong mag pakatatag, huwag mong pairalin yang pagiging mabait mo"

"p-pero kase riley mahal ko yung tao
hindi ko kayang i give up sya ng basta basta"

"sige, pero please pag isipan mo... ayokong nasasaktan ka avery parang kapatid na turing ko sayo" aniya at parang tutulo nanaman ang aking luha sa mga sinabi niya hindi sa nasasaktan ako. nararamdaman ko kung paano ako turingin ni rylie, ngayon na masasabi ko na maswerte ako sa kaibigan kahit huwag na sa pag ibig.

————————
thank you for reading❤️
————————

252• days to FORGETWhere stories live. Discover now