Chapter one

24 3 2
                                    

Sa mataas at komportbleng  lugar  nilapag ko ang aking dala-dalang mahabang bagay na nakasukbit sa aking likuran , na nakalagay sa kulay itim na bag.  Agad ko itong binuo at epwenesto ang aking katawan sa tapat ng bintana ng gusaling iyon.

Sinilip ko  ang aking target mula sa taas sa pamamagaitan ng telescopic sight  sa aking harapan.
Noong matanaw ko na ito ay tinuon  ko ang aking atensyon sa kanyang ulo. 
Doon ko balak ibaon ang bala ng M24 sniper rifle na aking hawak-hawak.

Agad kong inangkla ang aking hintuturo sa gatilyo ng armas na aking hawak.  Noong makahanda na ako at alam kong nasa tamang target na, ay agad kong kinalabit iyon at hindi ako nabigong patamaan ito . Tumumba ito sa kanyang kinatatayuan, at agad din namang nagsitarantahan ang kanyang mga taohan. Hinahanap kung saan nanggaling ang balang iyon, hindi kona sila pinansin at agad nilisan ang lugar na iyon. Ang tanging pakay ko lamang ay mapatay ang taong iyon,  Yon kasi ang binigay sa'king misyon.

Oo isa akong killer,  yan ang aking trabaho , Binabayaran ako ng malaking halaga upang pumatay ng mga taong halang ang kaluluwa at mga gobyernong tiwali.  Ako si Maya isang Hit-girl,  isang assasin na handang pumatay kapag pera  na ang pinag-uusapan.   21 year's old at isang ulila na sa ina at ama. Tanging Lola ko nalang at mga kapatid  ang aking kasama sa buhay.

Meron akong sariling bahay na moderno ang desinyo.  Meron din akong mamahaling Condo sa Q.C. Ang aking Lola ay may sarling bahay na pinatayo ko,  doon ay kasama pa ang dalawa kong kalatid . Minsan lang ako maka-uwi sa kanila dahil sa klase ng aking trabaho.  Hindi na ako maaring tumigil pa, sapagkat  kamatayan na ang tanging kapalit nito kapag ako ay Lumabas sa organisasyon na ito.  Maraming hahabol sa'king mga taong makapangyarihan. Masyado na akong Maraming alam para buhayin pa nila,  3 year's ko na ring ginagawa ito, at dito na ako nabubuhay at nasasanay.

Bata palamang ako ay sinasanay na ako ng aking Ama sa pag-asinta gamit ang kanyang Rifle. Isang  Sergeant  Major of the Army ang aking ama,  isang tapat na sundalo  na handang mag-alay ng buhay  sa bayan. Ngunit sa isang mapait na trahedya, ay napatay ito kasama ang aking ina, sa sarili pa naming bahay, at  Ang may mga gawa ay  mga kapwa sundalo din nito. Kitang-kita ng dalawa kong  mga mata kong paanu nila pagbabarilin ang aking ama't ina na walang kalaban-laban.  Sa mura kong edad ay natutu akong magtanim ng galit sa mga sundalong iyon. Tandang-tanda ko pa ang mga pagmumuka nila, hindi ko iyon maaring kalimutan. Kaya siguro ay naligaw narin ako ng landas.

Tinanggal ko ang tali ng buhok ko at pasimpling bumaba, Agad akong  sumakay sa kotse kong nakaparada sa baba,  ng gusaling iyon at umarangkada paalis.  Nakasalubong ko pa ang  mga taohan nito ngunit hindi na nila ako napansin pa. Ang tanging nasa isip nila ay nasa taas ng gusali parin ang hinahanap nila.

Pagka-uwi ko ay nag-shower muna  ako , pagkatapos ay binuksan ko ang aking laptop at senend ang mensahe sa boss namin na  Tapos na ang aking misyon.  Agad naman nitong deneposite ang pera sa Bank account ko. Ako yong babaeng mukang pera, doon sa paraan kasing iyon ay maraming umaasa sa'kin. May tinutulongan akong mga tao at nagbibigay din ako ng donasyon sa Simbahan namin. Alam kong mali ang aking trabaho pero hindi kona ito matatakasan pa.

Nagkape muna ako sa isang Sikat na Coffee shop, doon ay sandali akong tumambay.  Isang matipunong lalaki ang umagaw ng atensyon ko,  matangkad, maputi, matangos ang ilong at gwapo. Halata sa kilos  at itsura nito na s'ya ay mayaman. Bet-bet nito ang dalawang kape na nakalagay sa lagayan, at may isang box na Pizza pa ito.  Nagulat ako noong lumabas ito sa shop at unupo doon sa tabi ng pulubi. Nilapag nito ang kaping hawak at ini-abot sa pulubi, binuksan din nito ang pizza at inalok sa kausap na pulubi.

Doon ay lalo akong humanga sa lalaking iyon, dahil embis na umalis ito at dito magkape sa loob at kumain ng komportable,  mas pinili n'yang doon magkape kasama ang pulubi.   Hindi ko man dinig ang kanilang pag-uusap pero kitang-kita ko sa mga mata nila ang galak at tuwa.  

LOVE SHOTМесто, где живут истории. Откройте их для себя