Kabanata 25

13 2 2
                                    

Kabanata 25

Niludhan


Sa bawat na madadaanan namin lugar, palagi kaming may iniiwan na mensahe.

Mabilis lang ito na halos aabot ng labing limang minuto. May mga mapapatingin sa amin, may hihinto sa kalsada para makinig, may mga magagalit na PLD na sisigawan kami upang paalisin.

Nagsimula ito sa Leyte, sunod sa Cebu, at ngayon sa Negros Occidental. Hindi man namin kaya abutin ang dulo at bawat sulok ng Pilipinas pero kakayanin abutin ang masa hangga't makakaya kung saan man kami mapadpad ng NRT.

Kinausap kami ni Alamon ukol sa plano na patumbahin ang Fort San Pedro. Hindi ito magiging madali dahil may mga sundalo sila at may pader na nakapalibot sa buong kuta.

"Kailangan pa natin makipagkita sa Negros at Ilocano. Isa na naman mahabang paglakbay ito upang mapalaganap ang ating samahan." Sabi ni Ylang-Ylang, kakabalik niya lang mula sa pinuntahan nila kasama si Gavino at Joana.

"Paano natin mapapatumba ang Fort San Pedro?" tanong ni Luisa.

"Maraming sundalo ang nagbabantay at hindi lang baril ang kanilang armas."

"Anong gagamitin natin para makapasok sa Fort San Pedro at iligtas ang mga nakakulong tribo at inosenteng tao?" tanong ni Caloy, handang makatulong sa kanila.

"Huwag mong sabihin na bobombahin natin ang Fort San Pedro?" Kunot-noo na tanong ni Eufemio. Matapos ng naranasan namin, alam kong nararamdaman niya rin na hindi ito magandang solusyon dahil may ibang maapektuhan.

"Ang ating makakamtam ay kalayaan, hindi ang karahasan." untag ko.

Sabay-sabay silang tumango bilang sang-ayon sa sinabi ko.

"Hindi iyong akma para sa mga nakakulong sa Fort San Pedro. Kahit ang mga sundalo ay kinakampihan ang korup, tao pa rin sila."

"Maaawa pa kayo sa kanila kaysa sa mga kinadena nila sa Fort San Pedro? Ganyan ba kayo katuga?" Panunuya ni Tyranny.

Kung uulitin namin ang pagbomba sa Hedkuwarter sa Leyte, may maaapektuhan na inosenteng tao na nakakulong sa kanila. Nag-iingat lang siya para na rin sa kapakanan ng mga kinulong nila.

Kung haharapin namin sila, kailangan may kasama. Mahalaga ang numero sa labanan na ito dahil ang bawat bilang ay may buhay na dinadala, ang puso na tumitibok, ang boses na sumisigaw.

Ang mga kasapi namin mula sa Anugal del Sol, Tacloban, at sunod ang paparating na mga kasapi mula sa aming nilalakbayan na mga lugar sa buong Pilipinas.

Bumalik kami sa NRT para sumakay sa tren, tumakbo ito papunta sa Sibulan ng Negros Occidental at tumigil sa istasyon.

Naglakad kami sa may Balinsasayao Twin Lake, inantabayanan namin ang mga bagong kasapi na kinausap noon ni Alamon bago niya kami sinundo sa balangay.

"Ayan na sila!" Sabay turo ni Luisa sa mga grupo ng tao na nagmula sa gubat.

Binati namin sila, kinomplimento nila kami tungkol sa mga nagagawa namin para sa sambayanan, inidolo naman nila si Eufemio na nagsalita sa telebisyon noong pinanuod nila ito.

Kinausap pa sila ni Ylang-Ylang gamit ng Hiligaynon at Ilonggo na linguahe na hindi ko na maintindihan. Napahanga ako sa kanya dahil marunong siya magsalita ng iba't-ibang linguahe na bihira matutunan sa Pilipinas.

Kung tinuturo lang ito sa eskwelahan, wala sana pader na humahadlang sa ating wika na namamagitan sa mga Filipino.

Nilapitan kami ni Ylang-Ylang at ngumiti siya.

Rebelation (Unity Series #1)Where stories live. Discover now