CHAPTER 14

412 20 1
                                    

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 14]

• YVONNE LUSTRE POV:

"Bwiset! Bwiset talaga yang Andrei na yan"

Galit na galit akong lumabas ng bahay nila Freddie dahil sa ginawa sakin ni Andrei, sisiguraduhin kong mag babayad sya sa ginawa nya sakin.
Hindi ako papayag na pag salitaan ako ni Andrei ng ganon dahil hindi ako nag aral sa ibang bansa para lang sabihan ng mga masasakit na salita, I'll make him pay for this.

"Mars ang tagal mo naman, kanina pako nag hihintay dito sa kotse eh!"

"Sorry naman ha?! Bwiset kasi yung Andrei na yon eh, ang kapal ng mukha para pag salitaan ako ng ganon!"

"Bakit ano bang sinasabi sayo ng baklang yon mars? Tsaka isa pa, bakit ganyan itsura mo? Bakit parang nilampaso ka sa sahig?!"

"Sinabi ko naman sayo na sinira nanaman ni Andrei yung araw ko!!"

"Eh nasaan si Freddie, wala ba doon?"

"Wala! Umalis pala ng maaga!!"

"Ano ba yang itsura mo mars ang dungis mo!"

"Che! TUMAHINIK KA NGA!! Hindi ko palalampasin tong ginawa sakin ni Andrei, I'll make him pay for this para mag tanda sya kung sino ang mas mataas saming dalawa!!"

"Ano namang gagawin mo mars?!"

"Hindi magugustuhan ni Andrei ang gagawin kong to, Danny! Sisiguraduhin kong luluhod sya sa mga paa ko!"

Pumunta ako sa wet market kung saan nag nenegosyo ang mga magulang ni Andrei, kilala ko yung babaeng may ari ng pwesto nila don at dahil may pinaplano akong hindi maganda kay Andrei kinausap ko yung may ari na si aling Remy tungkol sa binabalak ko.
Tignan natin kung hindi manlimos ng awa si Andrei sakin pagkatapos kong bilhin ang pwesto na kinatatayuan ng negosyo nila sa wet market, siguradong magiging exciting ang lahat ng mang yayari.

"You're Remy, right?"

"Oo bakit ano kailangan mo?"

"See that? Diba yun ang pwesto nila aling Linda dito sa wet market?"

"Oo, bakit kaano ano mo ba yang si Linda?"

"Bibilhin ko yung pwesto nila sa halagang 100 thousand, pero ang gusto ko paalisin mo na sila sa kinapupwestuhan nila at hindi lang yon, syempre gusto ko ding palayasin mo na sila dito sa wet market!"

Hindi na nag dalawang isip pa ang may ari ng pwesto nila aling Linda na si Remy na tanggapin ang offer ko para sa kanya at agad nyang pinuntahan si aling Linda para palayasin ngayon mismo sa pwestong kinatatayuan nila.

"Hoy Linda lumayas na kayo dito ngayon din!"

"Ha! Bakit, nag babayad naman kami ng tama sa araw at oras Remy ah?!"

"May bago na kasing may ari nyan Linda, binenta ko na yan! Tsaka isa pa bawal na kayo dito sa wet market dahil wala na kayong mapupwestuhan dito!"

"Sino bang may ari nito bakit hindi mo manlang kami inabisuhan na may bibili na pala ng pwesto namin, edi sana nakapag handa pa kami!"

Maya maya lang ay bigla akong sumulpot sa mga harap nila, hindi sila lahat makapaniwala na ako na ang may ari ng pwesto nila.
Nagulat si aling Linda ng makita nya ako, siguro hindi nya ine expect na ang Yvonne na tinuring nyang anak noon ang mag papalayas pala sa pwesto nila ngayon.

"Hi! Miss me aling Linda?!"

"Walangya ka talaga Yvonne, hindi kana nakuntentong agawin ang kinakasama ng anak ko pati yung pwesto namin dito pag didiskitahan mo!!"

The RevengeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora