A/P 24: LOVE, 2O2O, POSITIVE

30 1 0
                                    

Hanggang saan dadalhin ng pag-iisa?
Hanggang kailan maghihintay ang puso?
Hanggang saan sasabihing kaya ko pa?
Kung puso'y iba ng nilalaman niya
Kulang pa ba para masabing ako na?
Kahit binigay na lahat, makakaya?

Walang hinangad kundi pagmamahal mo
Walang nais makasama kundi ikaw,
Kahit pa wala ng halaga, salita,
Pag-asang inaasam kong makuha pa,
Pagkat ramdam kong may nagbabago sa 'tin,
Wala ka mang bigkasing alalahanin.

Pagod na akong mag-isip ng kung ano
Pagod na akong umasa sa salitang,
May pag-asa pa, kaya pang ayusin 'to,
Magagawan pa ng paraan, Sinta ko,
Kahit pa alam kong huli na sa atin,
Luhang inilabas, damdaming sinagad,

Makuha lang salitang laban pa tayo,
Subukan pa ulit nating ayusin 'to,
Baka sakaling bumalik pa sa dati,
Noong ako pa rin ang isang prinsesang,
Labis pinag-alayan ng pagmamahal.
Pakiusap, isa, dalawa't tatlo pang,

Salitang mahal na mahal na mahal pa,
Upang pusong sumusuko na talaga,
I love you pa rin talaga ang masabing,
Paghuhugutang pag-asang maging okay,
Sa magulong pag-iibigang dalawa,
Away-pagbabating, ating 'di natama.

Sana sapat na aking nasambit, Sinta
Upang puso't isip mabago pa natin,
Bago matapos taong 2020, puno ng,
Kapighatian at hapis, kalungkutan,
Ating nararanasan sa ating puso,
O, tumanim sa 'ting naluluhang mata,

Nadadamay, ating ugnayang nabuo,
Masaya, tahimik, puno ng positive,
Pananaw sa ating nabuong relasyon.
Kaya pakiusap, ating pang ayusin,
Sa huling pagkakataon, tuwina pa,
Bigyang kasiyahan, puso at isipang,

Napuno na ng negatibong pananaw,
Nagmumula sa isip-batang isipan
Natamo'y kalungkutan, lubhang nagbigay,
Bigat, nararamdaman, 'di makayanan
Pagkat laging nasa isipan na lamang,
Pamamaalam sa ating nakaraan.

Mxginlight Where stories live. Discover now