🍂METANOIA 01🍂

61 29 2
                                    

CHAPTER 01:
Zandrie Zyrex Sandoval

"YESSSSSSSSSSSSS!!!!" Sigaw ng isang binata matapos makuha niya ang resulta sa kaniyang scholarship examination sa kaniyang pinapangarap na paaralan, sa Gem Stone University.

Hindi mawala ang ngiti at kasiyahan sa kaniyang mukha habang dala-dala ang magandang balita para sabihin sa kaniyang mga magulang.

"MAAAAAAAAA!!!" Sigaw niya agad pagkatungtong niya sa bahay nila dahilan para mabulabog sila sa kanilang mga kaniya-kaniyang ginagawa.

"JUSKO!!! ZANDRIENG BATA KA AATAKIHIN YATA AKO NITO SA PUSO!" Singhal sa kaniya ng kaniyang inay na si Mama Jean.

"ANO BA IYAN? BAKIT GRABE KA KUNG MAKANGITI DIYAN? HUWAG MONG SABIHING MAGIGING TITO NA AKO NITO ZAN?" Pilyong asar sa kaniya ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Kuya Zackerious.

"NASAAN PALA SI PAPA, MA?" Kibit balikat na tanong ng binata sa kaniyang mama at tuluyan ng pumasok sa loob ng kanilang bahay tapos tumayo sa harapan nila.

"Nandoon sa kuwarto nagpapahinga na," malumanay na sagot ng kaniyang mama habang pinagpapatuloy ang pagtutupi ng damit. Napatango-tango na lamang ang binata.

"Bakit ka nakatayo diyan aber? Umupo ka nga at ako'y naguguluhan sa iyo," nalululang sambit ng ina sa kaniyang anak.

"MAAAAA!!!! KUYAAAAA!!! BUNSOOO NAKAPASA AKO SA GSU YESSSSSSSSSS!!!!!" Buong lakas na sigaw ng binata habang tumatalon-talon pa sa tuwa at di maiwasang maging emosyonal sa mga nangyayari.


"TALAGA NAAAK? DI KA LANG TALAGA GUWAPO NAK, ANG TALINO MO PA. PINAGMAMALAKI TALAGA KITA ZAN," mangiyak-ngiyak na di makapaniwalang sambit ni Mama Jean at hindi nag-atubiling tumayo at niyakap ang anak ng sobrang higpit, isang yakap na nagpapahiwatig kung gaano ito ka-proud sa kaniyang anak.

"CONGRATS BRO, IBA TALAGA TALINO NATIN YOHOOO!!!" Bati at yabang sa kaniya ng kaniyang Kuya Zack, isang electrical engineer na may sariling pamilya na rin.

"You're the best kuya. Sana matalino rin ako 'no, congrats kuya Zan Zan!" Nakangiting yakap din sa kaniya ng kanilang bunsong babae na si Zhymiee, isang grade six student pa lang.

*****

"Ano okay na ba ang lahat ng gamit mo Zandrie? Wala ka na bang nakakalimutan?" Paniniguradong tanong ni Mama Jean sa binata. Ngayon kasi ang alis niya papuntang university.

"Oo ma, tapos na po lahat. Huwag kayong masyadong mag-alala ma. Kaya ko 'to," pagpapagaan ng loob ng binata sa kaniyang mama. Dahil alam niya anytime magdra-drama na naman ito.

"Basta anak, lagi mong tatandaan mga bilin ko ahh. At saka 'wag masyadong makampante doon. Alam mo na mahirap lang tayo tapos alam mo namang halos mga sikat at mayayaman ang mga nag-aaral doon," sermon na naman sa kaniya ng kaniyang mama.

"Anak, Zandrie di ka na ba namin mapipigilan niyan?" Biglang pumasok ang kaniyang papa sa silid. Ang kaniyang papa ay isang propesor sa kolehiyo kaso napilitang huminto ito dahil sa kaniyang kalagayan ngayon, may iniinda itong malubhang sakit.

"Bakit kasi naisipan mo pang diyan pumasok kuya eh madami namang schools na malapit lang sa atin. Bakit kailangan do'n pa? Ang layoooo," mistulang sabi ni Zhymiee.

"Basta huwag niyo akong aalahanin. Kaya ko ito, ako ang nagpili nitong daan. By the guide of our Lord," sagot ng binata habang sinusukbit na ang isang malaking back pack para sa kaniyang mga gamit.

"Sige kung 'yan talaga ang gusto mo, mag-ingat ka," sabay tapik ng kaniyang papa sa kaniyang balikat as sign as goodbye. Tumango na lamang ang binata and for the last time, niyakap niya sila bago umalis sa bahay at hintayin ang kaniyang kaibigan na kasama niya papuntang GSU.

"Grabe Broo! Di pa rin ako makapaniwalang nandito na tayo, sana maging maganda buhay natin dito, *sigh*" manghang sabi ng kaibigan ng binata na si Marckus Salvador, ang kaniyang kasama na nakapasa rin sa scholarship examination.

"Kaya natin 'to bro, think positive lang," pampatatag ng loob ni Zandrie sa kaniyang kaibigan sabay akbay nito at nagsimula na silang maglakad papasok sa paaralan.

Hindi maiwasan ng magkakaibigan ang makaramdam ng hiya at pagka-out of place dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila. Mga taong natatanaw lang nila sa social media at Telebisyon na ngayon ay abot kamay na nila.


Naglalakad silang parang mga sikat din, dahil sa mga matang nakaratay sa kanila. Oo wala silang pera, simple at mumurahin lang ang panamit, pero may angking kakisigan at kapogian sila na kayang tapatan at pantayan ang mga mayroong ganda sila.

"Hi cuties! *wink*" biglang tawag at agaw pansin sa kanila ng isang magandang babae. Di na lang nila ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Gosh snob ang beauty mo Xandrea, wala ka pala eh HAHAHAHAHA," rinig nilang asar no'ng babae sa kaniyang kasama.

"Iba talaga kapag pogi, dinudumog HEHEHEHE," pagmamayabang ni Marckus kay Zandrie. Nagkibit balikat na lang ang binata at seryosong naglalakad papasok sa dean office.

"Magandang umaga ho dean," sabay na bati nila sa dean na nasa mid 40s pa ito. Tumingala muna ang dean saka binaba ang reading glass.

"Good Morning, please be seated," sagot ng dean at agad naman din silang umupo.

"So I am your Dean Lucas Hamilton. How may I help you?" Pagpapakilala ng dean sa kanila.

"Sir ako nga po pala si Marckus Salvador isa sa mga student na nakapasa sa scholarship examination niyo po. Tapos ito namang kasama ko ay si Zandrie Zyrex Sandoval a scholarship examinee also," pagpapakilala ni Marckus sa kanila. Habang ito namang kasama niya ay halos di na gumagalaw.

"OHHH NICE TO MEET YOU UNPREDICTABLE STUDENTS. SANDOVAL, WHAT IS YOUR CONNECTION WITH PROFESSOR ZACKARIE SANDOVAL?" Tuong pansin ni dean kay Zandrie. Siniko muna siya ni Marckus bago ito napabalik sa reyalidad.

"Uhm, uhmm he is m--my fath-father sir," kinakabahang sagot ni Zandrie. Napa-tap na lang siya sa kaniyang noo at napapikit dahil sa kaniyang naging pakikitungo.

"NICE, kaya di na ako nagtataka kung bakit ikaw ang nakakuha ng pinakamalaking scores sa exam. It's our pleasure to have you in our university. Before I forget, ito yong schedules niyo, dorm keys and blue print ng university. And because you're both top five in our scholarship examination, I will give you this silver credit cards. This cards will serve your allowance. Every months we will sending monies in that cards depend upon of your school performances," mahabang paliwanag ng dean habang inaabot sa kanila ang kani-kanilang schedules, cards, dorm keys and school blueprints.

Halos di makasalita silang dalawa dahil sa narinig nila. Napakalaking tulong na ito sa kanila. Di nila inaasahan na sila ay nasa top five sa examination test passer at mas lalong hindi nila inaasahang mayroong silver cards pa itong kasama.

"And before I forget also. Next week we were conducting a varsity players in all sports. Baka mga athletes kayo kaya feel free to join our activities. It will help for your tuition fees discounts up to 50%. So in connection with you, because you're both full scholarship grantees, so ang gagawin na lang is 'yong books and miscellaneous niyo will be free. So kung mapabilang kayo sa mga varsity player mas maigi kaya pagbutihin niyo kung sasali kayo. Good luck for your first day of school that would be tomorrow, break a leg young men," mahabang litanya ulit ng dean sa kanila. Naguguluhan man ay tumayo silang dalawa dala-dala ang binigay ng dean.

"Sige dean maraming salamat po," paalam nila bago umalis sa dean office at magsimula na sa mga dapat nilang gawin.

METANOIA (ONGOING)Where stories live. Discover now