Chapter 9

11.4K 316 78
                                    

Chapter 9


We always have this side of us that gets stunned whenever someone you didn’t expected would take a look at you. Hindi ko iniisip na ganito ang magiging reaksiyon ni Dashiel. Since when did he care? Hindi ba at nililigawan niya si Amely?

Huh. Damn him.

Maayos na sana kung hindi niya pinairal ang pagiging possessive niya. Was he? Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano, Celes. Of course, mangingialam siya sa mga ginagawa mo dahil kapatid mo siya.

Kung kailan naman na bumubuo ako ng bakod laban sa kaniya, hindi ko pa nasisimulan ang pagtayo ng bakod sa puso ko, ginigiba na niya. Goodness, Trevor, hindi ko na alam ang gagawin ko sa ‘yo.

“Hey. Wala namang problema sa damit ni Celes, that’s what you call fashion, Dashiel.” Singit ni Nathan at hinila ako mula kay Dashiel.

“What the fuck are you doing kid?!” Sigaw ni Dashiel na umalingawngaw sa corridor. Pinagtitinginan na kami ng ibang college students.

“Dashiel, calm down. You’re making a scene,” pagpapakalma ko at hinawakan siya sa braso pero ipiniksi niya lang iyon. I don’t know but, I felt my heart constricted.

“Do what you want, Celes. Hindi na kita pakikialaman. That’s what you wanted, right?” Tumalim ang titig nito kay Nathan at sa kamay nitong nakahawak sa braso ko. “Go be with him, I don’t fucking care. Not at all.”

Tinalikuran niya kami at nakapamulsang naglakad. Akmang susundan ko siya nang hilahin ako ni Nathan at niyakap. Pinigilan kong humikbi dahil sa ginawa niya. Dashiel, damit lang naman ‘yon, bakit umabot sa ganito?

“Hush, Celes. He just wants to protect you, tahan na. I’m here,” hinagod niya ang likod ko at tinakpan ng braso niya ang baywang ko. “Let’s get you some clothes.”

Tumango lang ako at nakagat ang labi dahil sa pagpipigil na humikbi. Pagkabalik namin sa building naman ay pinahiram ako ni Nathan ng extra shirt niya na nasa locker. It was too big for me. Hanggang sa itaas ng hita ko ang haba ng shirt at ang manggas nito ay umabot sa siko ko.

Para akong hanger.

Pagkalabas ko ng ladies’ room ay nandoon si Nathan na naghihintay at nakasandal sa pader. Napalingon ito sa akin at kita ko kung paano niya itago ang ngiting gusto kong baklasin sa labi niya. Umirap ako at itinaas ang isang manggas ng damit kaya hindi ito magkapantay ngayon.

“Damn, Celes. Kahit anong damit bagay sa ‘yo,” untag niya.

“Tumahimik ka.”

“Bagay pala sa ‘yo ang damit ko. Kung pwedeng ipasok na lang kita sa T-shirt ko, ginawa ko na.”

“Anong binubulong-bulong mo riyan?” Sikmat ko. Ngumisi lang ito saka ginulo ang buhok ko.

“Wala. Sabi ko, ang ganda mo.”

Nasiko ko siya dahil sa sinabi niya. Ito, kung hindi ko siya kilala iisipin kong pinopormahan niya ako. Wala gaanong pasok, dahil biyernes. Halos karamihan ay nasa quadrangle kasama ang mga kaibigan nila.

Umalis si Nathan sandali, pinatawag siya ng admin. Siguro mag-t-transfer na naman talaga siya. Kung sakaling makapasa rin ako sa kahit isang university abroad, hindi ko alam kung tatanggapin ko ba. Inaalala ko si Mom.

Dealing With My Stepbrother [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon