He's handsome, playful, mysterious. He is Onyx Stefan Arguelles. Isang magaling na NBI agent na nagtatago sa pangalang Jacob Nyx Dela Merced. Nakakita ng pagkakataon na mapalapit sa isang kaso na matagal nang tinutukan at inaabangan dahil sa isang nakapost sa internet na 'WANTED FAKE BOYFRIEND'. At sino ang magha hire? Ang isang napakagandang dalaga na anak ng multi millionaire business tycoon. Si Brandy. Ang rebeldeng kaisa isang tagapagmana ng Ynares Empire na under surveillance dahil sa illigal na transaksyon tungkol sa droga at baril. Napalapit sa tagumpay ng kasong hinahawakan, pero napalapit din sa dalagang parang ang utak ay nasa talampakan. Hanggang sa oras nang dumispatsa. Alin ang pipiliin nya? Tawag ng tungkulin o tawag ng damdamin?