Does magic really exist? Do you even believe in magic? Can you imagine that you're holding a pack of ice? a burning fire? a lion of water? Walang patutungohan ang takbo ng aking buhay. Walang araw na hindi ako nakikipag-away, walang araw na lumilipas na hindi ako kinakaladkad ng guro namin patungong guidance office, walang araw na lumilipas na hindi ko naririnig ang seremon ng guidance councilor namin. Walang buwan at semester na lumilipas na hindi ako nakakapagtransfer sa iba't-ibang paaralan. Halos lahat na nga ng paaralan dito sa lugar namin ay akin ng napasukan. Takot sa akin ang karamihan sa aming bayan, hindi lang dahil na isa ako sa pinakamakapangyarihan at pinakaimpluwensya na pamilya ngunit dahil ako ay ako. Dahil ako'y nagpapakatotoo sa aking sarili at dahil sa mga kaya kong gawin. Hanggang sa napasok ako sa isang paaralan kung saan wala akong lugar, kung saan hindi ako nabibilang. Alchemist Academy. School of Magics. Paaralan na hindi ko inakalang ito'y nag-eexist rin pala sa totoong buhay. Para sa akin, ang magics ay isang kathang isip lamang ng mga nahihibang na na mga tao, subalit ako'y nagkamali, nagkamali ako ng pinaniniwalaan. Sa pagpasok ko sa paaralan na ito ay doon ko matututonan at malalaman ang katotohanan sa likod ng mga kwentong aking naririnig, ang istorya sa likod ng misteryusong paaralan na iyon, ang dahilan kung bakit ako naririto. Sa pagtapak ko sa paaralan na ito ay marami akong kakaharapin na hamon at pagsubok sa yugto ng aking buahy na kung saan ako'y susubukan kung gaano nga ba ako katatag. Sa pagpasok ko sa paaralan na ito ay iiba ang takbo ng mundong aking ginagalawan, dito ako makakahanap ng totoong mga kaibigan na akin nang itinuturi na kapamilya't kadugo. Dito ko makakahanap ang taong magpapasaya sa akin at magbibigay kulay sa madilim kong mundo. Matutonan ko kung paano magmahal, kung paano magsakripisyo, kung paano magpahalaga. Dito ko alalaman kung ano nga ba ang tunay na kulay ng mundong aking kinabibilangan.
11 parts