It was December 24, 20XX a day before Christmas... Naglilibot-libot ako sa bagong bayan na aming nilipatan, then I came across this old towns library. Pinasok ko ito at isang malaking painting ang nakapukaw ng atensyon ko. May lumapit saking isang babae na matanda at may dala-dalang libro. Napansin nya atang parang pinapagpantasyahan ko 'tong lalaking nasa painting. "Naaalala mo pa ba?" pambungad na tanong nya sakin ng pabulong. "Ang alin po?" tanong ko rin naman sa kaniya. Ngumiti siya na para bang may pinapahiwatig. "Ang lalaking nasa painting na 'yan ay matagal mo nang kilala." "Ha?" naka-inom ba sya? Wala akong matandaang lalaki na nakilala ko na kamukha nitong nasa painting. Binaba niya yung antic looking book na dala niya sa isang mesa malapit samin at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng library pagkatapos sabihin sakin na... "Magbasa ka."