Boy's Love Story Paano ka magiging akin? Anong kailangan kong gawin? Matagal nang may gusto si Rain kay Charles. Pero si Charles ay never siguro siyang magugustuhan. Lahat ay gagawin ni Rain para kay Charles. Pareho silang anak mayaman, guwapo si Charles at mukhang babae naman si Rain kahit pa nga lalaki siya . Walang pakialam dito si Charles. Hindi niya gusto si Rain, PERIOD. Wala sa vocabulary words niya ang magkagusto dito. Hanggang sa magbago bigla ang buhay ni Rain. Mula sa pagiging anak mayaman, mahirap na siya. Kaya naman tinigilan na niya ang kabaliwan niya kay Charles. Kung noong pantay pa sila ng estado sa buhay ay hindi siya nagustuhan nito, paano pa kaya ngayong mahirap na siya? Saka naman nagparamdam si Charles ng pagiging malapit sa kanya. Alam ni Rain na naaawa lamang ito sa kanya. Kaya naman pilit niyang kinakalimutan na mahal niya ito. Written by: mikzylove My work is not perfect please bear with me. Thanks for reading.