"Kapatid mo ba 'yung nadapa kanina?" Pag-iiba ko nang topic dahil hanggang ngayo'y nakasimangot pa rin siya. "Hindi ko siya kapatid. Kaibigan ko sila" "Sila?" Naguguluhang tanong ko. "'Yung mga bata dito. Kaibigan ko sila" "Bakit naman mga bata ang kaibigan mo?" Inayos niya muna 'yung salamin niya bago tumingin sa akin. "Mas totoo kasi sila" Napakunot ako ng noo. "Paanong totoo?" "Inosente kasi at saka mas totoo silang kausap. Mas masaya rin silang kasama kung tutuusin" Lumapit ako sa kanya at saka marahang siyang dinuyan. "So ibig mong sabihin wala kang ibang kaibigan na kaedad mo?" Paano 'yun? Dumadayo pa siya dito sa playground para lang makipag-usap sa mga bata? "Meron naman siguro.. " "Siguro? Ano'ng ibig mong sabihin na siguro?" "Ikaw.. Kung okay lang sayo na magkaibigan na tayo. Edi may kaibigan na ako na kaedad ko" Bigla akong napangiti. "Oo naman no! Magkaibigan na tayo" Sagot ko naman sa kanya. "Kaso.. " pabitin na sambit niya. "Kaso ano?" "Kaso hindi pa kita kilala" Tumayo siya mula sa duyan at saka nakipagkamay. "Ako nga pala si Mary. Ikaw? Ano'ng pangalan mo?" Inabot ko 'yung kamay niya at nakipagkamay na rin. "Jewel"