Si Kapitan Aurelio ay isang manlalayag na pirata na sumunod sa yapak ng kaniyang namayapa ng ama. Bata pa lamang ay tila tinatawag na siya ng karagatan upang ito'y kaniyang tahakin. May mga panahong ito na rin ang kaniyang itinuturing na tahanan. Gustong-gusto niya ang malansang amoy ng katubigan, ang alat ng karagatan na tila kalasa ng kaniyang mga pawis at luha. Hindi kalaunan ay kaniyang nahagip ang isang bali-balitang mayroon daw nakapaloob na kayamanan sa isang islang pinangingilagan ng karamihan. Kung siya ay maituturing na duwag, hindi niya iyon papatusin ngunit dahil dakilang mayabang, tumuloy pa rin siya. Sa kabila ng mga nakatatakot na kwento ay ipinagkibit-balikat niya lamang ang mga iyon dahil sa kaniyang ambisyon; nais niyang maging pinakamakapangyarihan na titingalain ng lahat. Nangako siya sa sariling babalik siya ng ligtas at mayaman subalit papaano niya tatakasan ang nakaambang panganib na naghihintay sa kaniya sa daan? Paano niya rin maililigtas ang kaniyang mga tauhan? Paano rin lalabanan ni Kapitan Aurelio ang pagkakahumaling sa isang kakaibang nilalang na kalahati-tao at kalahati-isda? Hanggang kailan niya mapipigilan ang sariling huwag magpalinlang sa taglay nitong ganda?
36 parts