Ang La Verde ay isang sikat na pasyalan sa malayong probinsya ng Banua. Kilala ito sa iba't ibang uri ng pasyalang makikita dito-- mula sa ilog, talon, maging sa mga lagoons na dito lamang matatagpuan. Ngunit, maliban sa taglay nitong ganda, may isa pang dahilan kung bakit dinarayo ang nasabing pasyalan tuwing pumapatak amg Nobyembre. Isa si Keisha Levesque sa nagnais makapunta rito upang pansamantalang lumayo mula sa ingay at gulo ng lungsod ng Requierdo. Matapos ang ilang linggong bakasyon, si Keisha, hindi na muling nakita pa.