Si rhea ay isang taga probinsyanang napadpad sa maynila. At dahil may sakit ang kanyang ama na syang nag-iisa nitong magulang ay napagdisisyunan 'nyang lumuwas ng maynila para makahanap ng trabaho at may mai-pang pagamot sa kanyang ama na may sakit. Labag man sa loob nya na iwan ang kanyan ama sa mga kapit-bahay nilang may malasakit sa kanila ay itinuloy nya pa'din ito. Sa isang mayaman na pamilya namasukan si rhea. Unang araw pa lamang nya sa mansion ng pamilyang mercado ay dama na nya ang kalupitan ng mga anak nito. lalo na ang anak na panganay nila mr. at mrs. mercado. hanggang sa umuwi ang bunsong anak ni mr. at mrs. mercado ay nagkaroon ng kaibigan si rhea pansamantala. sabay-sabay natin subaybayan ang kwento ng ating bida at kung paano nito malalagpasan ang pagsubok ng kanyang buhay.