[COMPLETED] Sining Fedeli, ang babaeng walang hinangad kundi ang matupad ang pangarap ng kaniyang magulang kahit na siya ay nahihirapan na. Pagka-graduate sa kolehiyo na may latin honors, siya ay nakakuha ng magandang trabaho bilang stenographer sa supreme court. Ginugol niya ang lahat ng oras at panahon sa trabaho upang maibigay ang lahat ng luho sa buhay ng kaniyang magulang...hanggang sa makalimutan na nito ang kaniyang sarili at mismong pag-ibig. Ilang beses na din siyang nabigo sa pag-ibig dahilan ng kaniyang pagsuko dito. Ngunit isang lalaki sa kaniyang nakaraan ang muling magpapaalala sa kaniya kung paano ba ang isang sining magmahal. Tama na kaya ang pag-ibig na darating sa kaniya? Kahit na alam niyang pareho sila nitong may bitbit na responsibilidad sa kanilang magulang? Ano ang kaniyang uunahin, magulang? pag-ibig? O, ang kaniyang sarili? Story Started: April 24, 2021 Story Ended: November 2, 2021