Maipagkakaila lamang ng isang tao ang kanyang nararamdaman kung ayaw niyang makasakit ng iba o saktan mismo ang sarili niya. Ayaw ni Karen na tingnan siya base sa kanyang naging reputasyon noong nagkagusto siya kay Brix. Sinubukan niya itong iwasan, hindi maging apektado, at umaktong hindi niya na ito gusto, dahil ayaw niya na ng gulo o kahit na anong isyu. Sa kabilang dako naman, hindi niya inasahang ang nararamdaman niya mismo ang maglalaro sa sarili niya. Paano kung nagkagusto siya sa dalawang tao na noong una pa lamang ay hindi naman pwede? Pipiliin niya ba ang isa sa kanila na bigla-bigla na lamang lumitaw sa kanyang mabulaklak na buhay?