"Anong susuotin mo, Karen?" tanong ni Joanna sa akin.
"Ummm," sambit ko at pinasadahan ng tingin ang rack sa aking harapan, "baka ito na lang?"
"Orange?" ani Joanna at umiling nang may pagngiwi. "Hindi bagay sa 'yo ang dress na iyan. I think red color suits you."
"Hmmm, oo nga, ano?"
Sumang-ayon na lang din ako at lumalim ulit ang isip tungkol sa nangyari kahapon sa parke. Unang beses ko kasing nahuli ang lalaking iyon na tumalikod at isang daang porsiyento akong sigurado na iyon ang nagpapabigay sa akin ng ice cream.
At talagang ginamit pa talaga ang mga inosenteng bata, ah?
Pero 'yung likod niya talaga, pamilyar na pamilyar sa akin. Parang si Brix, na si Laurent, na hindi ko alam. Ang alam ko lang, may kutob akong kakilala ko nga siya.
Sa kasalukuyan ay sabay kami ni Joanna na pumipili ng susuotin para sa Christmas Party next Friday sa Robinsons. Ako lang dapat ngayon sa mall, pero dahil ayaw niyang magmukmok at mamroblema sa bahay ay sumama na lang din siya sa akin. Dadalhan na lang namin ng pasalubong ang dalawang nanatili sa boarding.
"Heto na lang!" sabi ni Joanna sabay palabas ng isang red sleeveless dress na may slit sa hita mula sa isang clothing rack ng H&M.
Nanlaki naman ang mga mata ko. "Naku, huwag iyan. Alam mo namang hindi ako mahilig magpakita ng balat, Joanna," aniko.
Tumaas naman ang kanyang kilay at mariing umiling. "Nah-uh. Dapat ito ang suotin mo para elegant kang tingnan during your party!" aniya. "And don't worry. Ako ang bahala sa makeup mo, okay?"
Kumindat pa siya. Ngumiti ako at pinanood siyang masaya ulit na nagdi-discuss sa susuotin at makeup namin. Ngayon ko lang natantong sobrang lakas at tatag ni Joanna matapos ang naging isyu niya last year. Tapos ngayon...
"Kumusta na nga pala kayo ni Niall?" tanong ko. "Pinuntahan mo siya sa Mindanao last month, 'di ba?"
Ngumuso siya at nagbago ang ekspresyon kahit nakangiti pa naman. Sinusukat niya ang naka-hanger na blue green dress sa labas ng kanyang katawan.
"Oo. At ayos lang naman siya roon. At least he is safe and we are still communicating, everything's fine," she said and enthusiastically looked at me. "Wait, what if mag-pizza tayo ngayon? Doon sa Alberto's na pinag-parttime job niya noon!"
Natawa na lang ako sa kanyang kakulitan habang pinapabilis namin ang pagbibili ng mga makeup kits at dresses. Pag-uwi rin namin ay isinantabi ko na lang muna ang mga iniisip ko tungkol sa ice cream guy sa parke. Mas nakipag-bonding ako kina Joanna at chat kina Laurent at Ysari habang tinatapos ang natitirang schoolworks para wala nang problemahin sa mga susunod na araw kasi December na.
Kahit kinabukasan sa campus ay tungkol lang sa Christmas party ang topic ng lahat. Halos makalimutan ko na nga ang tungkol sa lalaking nagbibigay sa akin ng ice cream.
Pero akala ko, magiging misteryso na lang siya, hanggang sa mapunta ako sa locker area noong uwian matapos ang klase.
"Bye, Karen! See you bukas!" paalam nina Carmela sa akin at kumaway.
"Sige, ingat kayo!" sabi ko at kumaway pabalik bago hinarap ang locker ko.
Pagbukas ko pa lang ng locker ay nakita ko agad ang isang nakapatong na kulay light pink at makapal na sobre. May yellow sticker pa na smiley face.
Kanino ito?
Nagpalingon-lingon ako sa paligid habang binubuksan ang sobre, baka nagkamali lang sa paghulog. Nang tuluyan kong mabuksan ay binasa ko ang naka-address na pangalan. At sa akin nga ito dahil pangalan ko ang nasa salutation ng papel.
BINABASA MO ANG
Regrowing Bloom (The Spring Season)
Teen FictionMaipagkakaila lamang ng isang tao ang kanyang nararamdaman kung ayaw niyang makasakit ng iba o saktan mismo ang sarili niya. Ayaw ni Karen na tingnan siya base sa kanyang naging reputasyon noong nagkagusto siya kay Brix. Sinubukan niya itong iwasan...