Ang katahimikan ng Sitio Palaris ay dinurog ng malawakang pagpaslang sa mga naninirahan doon. Kinompirma ng mga awtoridad na walang nakaligtas, hanggang sa si Sacred, isa sa mga inosenteng biktima ay nagpakita isang araw na puno ng dumi at bulok na dugo sa kanyang katawan. Ipinagpatuloy ng dalaga ang kanyang buhay, at nakilala niya si Iblis na akala niya ay tutulong sa kanya upang makalimot at tuluyang makalaya sa kanyang kinatatakutan na nakaraan. Iyon pala ay kabaliktaran ang dulot nito sa kanya na muntik na niyang ikinamatay. Kasabay ng pagkaligtas ni Sacred sa kamay ni Iblis ay siya ring pagsimula ng karima-rimarim na pagpatay sa kanilang lugar. Walang makapagsasabi kung tao o hindi ang gumagawa ng bagay na iyon dahilan ng takot at pangamba ng nakararami. Dahil sa kanyang walang kapantay na altruismo at pagmamahal, ipinagtapat ni Sacred ang isang pagtatapat.