Status: Completed ✓ Posted: January 22, 2022 - May 16, 2022 Past. Lie's. Secrets. Deep betrayals. Hindi inakala ng isang Ranne Revel Gozon na mapapadpad siya sa isang isla na malayo sa sibilisasyon. Isang lugar na konektado sa nakaraan ng kaniyang ama. Isang nakaraan na pilit na tinatakpan at kinakalimutan. Isang nakaraan na pilit niyang sinusubukang malaman ang katotohanan. She met Constantine Trevor Alcazar isang taong may malaking papel sa nakaraan. Isang taong may alam sa lahat. Will she can be unfold the truth without falling for him? Dahil sa mga maling paratang ay napadpad siya sa lugar na iyon pero masasabi ba niyang maswerte siya o isa itong magiging bangungot na dadalhin niya habang buhay? Isang kasinungalingan ng nakaraan ang magiging rason upang magmahalan ang dalawang taong may lihim na pilit tinatakpan at nakaraang pilit tinatakasan. Pero hanggang saan nila kayang takpan at takasan ang nakaraan at ang bawat kasinungalingan nito? Ano nga ba ang mas paiiralin nila ang umaatikabong pag-ibig para sa isa't isa o ang nakaraang hindi dapat malaman ng bawat isa? Ano ang mas pipiliin nila? Mananaig kaya ang pag-ibig o tatalikuran ang bawat damdamin at piliing itago ang lihim ng nakaraan?