BLURB Naniniwala si Debinna na kapag gipit ay sa patalim kumakapit. Dahil sa malaking perang na dispalko ng kaniyang Ina sa isang sugal ay kailangan niyang mag doble kayod para mabayaran ang mga utang nito. Nakilala niya si Rosario sa isang club kung saan nagta-trabaho siya bilang isa sa mga waitres doon. Inalok siya nitong maging isang con-artist. Kung saan magpapanggap siyang isang mayaman na babae para makapanghuthot sa matatandang negosyante. Minsan ay politiko at kung minsan naman ay matatandang binata o 'di kaya ay mga balo na. Labag man sa loob ay kinailangan niyang gawin 'yon para makabayad sa lahat ng pinagkakautangan nila ng kaniyang Ina. Hanggang sa nakilala niya si Don Mauricio Collymore isang mayamang negosyante na nagmamay-ari ng ekta-ektaryang lupain at hacienda sa Batangas. Agad silang nagkapalagayan ng loob kahit pa malayo ang agwat ng edad nila sa isa't-isa. Agad rin na nahulog ang loob ni Debi dito kahit pa maraming nagsasabi na hindi sila bagay na dalawa. Ngunit hindi niya inaasahan na aayain siya nito ng kasal na hindi naman niya tinanggihan. Kahit pa ang totoo ay para lamang sa pera kaya niya tinanggap ang alok na kasal. Akala niya ay magiging maayos na ang lahat ngunit bigla siyang nagkaroon ng isang malaking problema nang iuwi siya ni Don Mauricio sa hacienda nto upang ipakilala sa kaniyang mga kamag-anak at mga tauhan. Doon niya nakilala si Boaz Collymoore na siyang anak-anakan ni Don Mauricio. Ang tanging lalaking hindi naniniwala sa totoong nararamdaman niya para sa kaniiyang Ama, bagkus ay pinaghihinalaan siya nito at pilit na pinapaamin sa tunay niyang hangarin sa Don. Paano niya ngayon matatakasan ang gulong nasangkutan kung sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ni Boaz ay humataw na ng malakas ang kaniyang puso. Magagawa pa kaya niya ang planong magpakasal kay Don Mauricio, o mas pipiliin niya ang tinitibok ng puso?