Sa isang pribadong isla napadpad si Max Alexandrae Trinidad matapos bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya. Nagising siya sa isang mansyon na nasa gitna ng isla at nakilala ang may-ari nito na si Denver Loey Castillo na isang mayamang pinoy. Napuno ng pagtataka si Max kung bakit dinala siya ni Denver sa mansyon nito sa halip na humingi ng tulong, ngunit wala siyang natanggap na sagot mula sa lalaki. Habang tumatagal ay mas nakikilala ni Max si Denver. Isa pala itong mayamang negosyante sa Pilipinas at nagbakasyon lang pala ito sa binili nitong isla. Unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Max sa lalaki kaya nagtapat siya dito. Ngunit may nangyaring hindi inaasahan. Ano kaya ito?
4 parts